New Day

4.2K 209 29
                                    

Althea's POV

Namimiss ko na si Jade. Almost 4 days ko na siyang hindi nakikita. Biglaan kasi ang pag-alis namin nina Dad at Mom papuntang Paris. Pagpasok ko ng opisina ay may ticket na ako at wala nang time na puntahan si Jade para personal na makapagpaalam man lang sa kanya. Hindi na rin ako makaangal kasi nakaready na rin ang luggage ko that time at agarang nagtungo na kami sa airport.

"Dad.. Mom.. pwede bang mauna na ako sa inyo umuwi ng Pinas? I'm so bored here." Wala kaming ginawa kundi ang mamasyal at magshopping. Sila lang namang dalawa itong nag-eenjoy.

"Not until we meet our new business partner." Seryosong tugon sa akin ni Dad. "Sila ang nagmamay-ari ng HS Global Courier Forwarding Services at HS Petroleum sa Pilipinas."

Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. Waring may nahihimigan akong hindi maganda sa kanila.

"Dad, ano namang kinalaman ko sa kanila? Bakit kailangang kasama rin ako?" Iritang reklamo ko sa ama ko.

Grabe! Miss na miss ko na talaga si Jade. Kung pwede lang sana silang takasan ay nagawa ko na.

"Alora ikaw na nga bahalang kumausap diyan sa anak mo. Lalabas na muna akong sandali."

Dumoble ang kaba ko dahil sa narinig ko. So talagang may binabalak sila na hindi ko alam. "What does he mean by that Mom?" Agaran kong tanong matapos makalabas ni Dad ng hotel room.

Huminga ito ng malalim at pagkatapos ay pumihit upang maupo sa couch. "We heard about your break up with Dr. Roberto."

"So what Mom? Anong kinalaman ng break up namin ni Jak dito?"

"Mahal mo pa rin ang anak ni Oscar, tama?" Nagulat ako sa sinabi niya. Teka paano nila nalaman ang tungkol kay Jade? Wala naman akong sinasabi sa kanila. "Bata ka pa lang anak ay alam na namin ng Daddy mo ang tungkol sa ginagawa mong panliligaw sa anak na babae ng assistant niya." Tila nabasa niya ang nilalaman ng utak ko. Kaya napatungo na lang ako bilang pag-amin. "Althea anak, gusto ng Daddy mo na baguhin mong muli ang sarili mo. Nais ka niyang magkaroon ng normal na buhay dahil nag-iisa ka raw niyang prinsesa."

Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Ano pong ibig nyong sabihin?"

"May gusto siyang ipakilalala sa---"

"Mommy!?" Inis na maktol ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa kanila. Kung nais nila akong ipagkasundo katulad ng mga Kuya ko ay hindi ako makakapayag. Pera at negosyo na lang ba palage ang mananaig sa kanila? Paano naman ang sarili kong kaligayahan? "Yes mahal ko si Jade and no one can ever change that Mom. Kahit patayin nyo pa ako ngayon."

"Althea anak makinig ka muna sa amin." Nagpumiglas ako nang subukan niya akong hawakan sa braso. "Masasaktan ka lang sa Jade na yon anak. Please kailangan mo ng isang normal na pamilya."

"Mom I want to be happy with Jade. Please let me love her."

"Wala kang pag-asa sa kanya. May nobyo na yong tao. Hayaan mo na lang siya."

"May pag-asa ako sa kanya Mom at hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinibigay niya sa kin."

Halatang ikinagulat ni Mommy ang sinabi ko. Waring hindi siya makapaniwala na ang isang tulad ko ay magugustuhan ng isang Jade Henares. "Althea anak, si PJ ang nobyo niya. Wala kang laban don."

"Meron po Mommy at hindi pa niya boyfriend yon." Giit ko sa kanya. Ayokong pangunahan nila ako pagdating sa bagay na ito.

"Okay sige pero pagbigyan mo pa rin ang Daddy mo. Hayaan mong ipakilala niya sayo ang anak ng bago niyang business partner."

"For what Mommy? Eh hindi rin naman ako papayag kung sakaling ipakasal nyo kami."

"Wala pa namang ganon na usapan anak. Ikaw raw kasi ang mag-hahandle ng partnership natin sa kanila. Kaya kailangan ka ring iharap ng Daddy mo."

Can't Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon