Torete

4.7K 184 20
                                    

Althea's POV

Kinaumagahan ay nagising ako na wala na si Jade sa tabi ko. Medyo nakaramdam ako ng lungkot kaya napabuntong hininga na lang ako.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. "Ang aga pa! Hmm.. Makapasok na nga lang ng maaga sa opisina." Walang ganang bumangon na ako at dumiretso na sa loob ng banyo upang maligo.

After 30 minutes ay nakaready na akong umalis. Ilang beses ko munang sinipat ang itsura ko sa salamin. "Ang ganda mo naman pala eh." Parang baliw na kausap ko sa sarili ko. "And pogi at the same time." Sabay pacute ko na may pagkindat pa. Natatawa tuloy ako sa sarili ko. "Akalain mo yon? Napansin ka rin ng babaeng pinapangarap mo." Ilang ulit ko pang pinagmasdan ang sarili ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Nagulat pa ako nang makaamoy ako ng pagkaing niluluto. "Hindi kaya.." Oh shit! Bigla akong kinilig sa naiisip ko. Ibinaba ko ang purse ko sa couch at nagmamadaling tinungo ko ang kitchen.

Hindi nga ako nagkamali. Napangiti ako sa nabungaran ko. "Jade.."

"Oh! Hi goodmorning.. bihis ka na pala." Anitong sumulyap sa akin saglit bago ulit itinuon ang tingin sa niluluto niya. "Sorry kung pinakialaman ko ang kusina mo."

"Ayos lang Bibi.. Ano ka ba! Kung pwede nga lang sana kahit araw-araw pa eh." Malapad ang ngiting turan ko sa kanya.

"Sira!" Napatawa naman siya sa sinabi ko. "Maupo ka na nga diyan patapos na ako dito."

"No.. I'll make coffee for us."

"Okay! Konting sugar lang yong sa kin. Thanks."

"Without cream Bibi?" Tanong ko habang kumukuha na ako ng mga tasa.

"Yes please.."

Matapos ang ilang minuto ay magkaharap na kaming nakaupo sa mesa. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing mapapatingin ako sa kanya. "Huwag kang masyadong kiligin. Baka hindi ka matunawan niyan." Biro niya sa akin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Hindi ko mapigilan Bibi.. Masyado kasi akong masaya na nakakasama kita." Sabay pout ko sa kanya. Tawang-tawa naman siya sa akin na parang nacutan sa itsura ko. "Tapos ang sweet mo pa oh! Ipinagluto mo ako ng breakfast."

"Huwag kang assuming Althea. Nagugutom na rin naman kasi ako. Kaya idinamay na rin kita sa pagluluto ko." Basag trip niya na ikinapawi ng mga ngiti ko. Buti na lang tapos na akong kumain. Nakakawala kasi ng gana eh.

"Lakas mo ring mang-asar eh noh?Kapag ako nainis I will lock the doors at buong araw na dito lang tayong dalawa sa loob ng condo ko." Seryoso kong turan sa kanya. Ngunit sa halip ay tinawanan pa ako nito. Wala ba itong trabaho ngayon at parang hindi man lang nasindak sa sinabi ko?

"You're so cute Althea." Aniya bagkus ay tumawa ulit. Pati tuloy ako ay nahawa na sa tawa niya.

"Bibi saan nga pala ang lakad mo ngayon?" Tanong ko sa kanya nang sandaling tumigil na siya sa pagtawa.

"Hmm.. wala akong sched today. So baka umuwi na lang muna ako sa bahay namin bago magpunta sa shop."

"Kung ganon ay mamaya na lang ako papasok sa opisina."

"Bakit naman? Maaga pa naman ah!" Aniya bago ulit sumubo ng pagkain.

"Gusto pa kasi kitang makasama Bibi. Mamimiss na naman kita."

Tumikhim siyang sandali pagkatapos ay uminom ng tubig. "What do you want me to do then?"

"Be my girlfriend." Muntik na tuloy siyang masamid sa sinabi ko.

"W-what?"

"Para magkaroon na ako ng karapatan sayo."

"A-althea.."

Can't Get Over YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu