The Naughtiness

4.6K 210 46
                                    

Althea's POV

Sinabi sa akin ni Tom na nakausap niya raw si Gael at nais raw nitong ituloy ang panliligaw kay Jade. Tila nagkaroon daw ito ng lakas ng loob ngayon dahil sa ginawang paghalik nito sa kanya.

Kaya naman nang marinig ko mula kay Jade na dumating si Gael ay nagmamadaling umalis na ulit ako upang bumalik sa kinaroroonan nito.

"I will kill you Gael! Stay away from Jade." Nababadtrip kong sambit habang nagmamaneho.

Buti hindi traffic kaya mabilis akong nakarating sa place. Pagkapark ko ng sasakyan ay malalaki ang hakbang na tinungo ko ang entrance. "Where is Jade, Sally?"

"Oh, Althea.. andon sila sa room na gagawin nating office."

Agad na tinungo ko iyon. Napahinto pa akong sandali nang marinig ko ang sinabi ni Wila. "Gael anong ginagawa mo kay Jade?" Nagpanting ang tenga ko sa galit.

"Jade.." Gulat na napatingin silang tatlo sa akin at nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.

"A-althea.." Tila kinakabahang tawag niya sa akin.

"Tol hindi mo pa naman girlfriend si Jade di ba?"

"Gael stop it please! Anong pinagsasasabi mo?" Saway ni Jade sa lalaki.

Hindi ako nakasagot. Wala naman kasi akong karapatang ipagdamot si Jade dahil tama ang sinabi nito. Hindi pa kami.

Nakipagsukatan ako ng tingin kay Gael. Kahit lalaki siya at babae lang ako ay hindi ko siya uurungan.

"Hell no! Ayoko masira ang pagkakaibigan ninyo. Hindi kita pinapayagang manligaw sa akin Gael. Dahil sa inyong dalawa ay si Althea lang ang may chance na mapasagot ako."

Lihim na nagbunyi ang kalooban ko sa narinig ko. "Did you hear that Tol? Sa ating dalawa ay ako lang ang may chance sa kanya. So please stay away from her."

Nang-gagalaiti sa galit ang lalaki. Kaya't napangisi ako sa kanya upang lalo itong asarin.

"Ano bang meron itong si tol na wala ako Jade? Kasi kung tutuusin ay hindi ka naman niya kayang bigyan ng anak."

Aba! Ayos itong lalaking ito ah. Nakakainsulto ang sinabi niya. Sarap niyang bigwasan ng isa sa mukha. "Anong sinabi mo?" Mabilis na humarang si Jade sa pigitan namin at niyakap ako. Hays! Ang sarap naman. Ang bango-bango niya.

"Hey! Althea please calm down. Ayokong mag-kasakitan kayo."

Kunwaring galit-galitan pa rin ako para mas lalo pa niya akong yakapin. "Kahit babae lang ako tol ay hindi mo ako kayang patumbahin!"

"Althea pwede ba!" Saway niya sa akin habang nakayakap pa rin. "Gael please umalis ka na muna. Magpalamig muna kayo ng ulo pareho."

Tinapunan ako nito ng masamang tingin bagkus ay kakamot-kamot sa ulo na lumabas na ng kwartong iyon.

"Makaalis na nga rin. Baka plano nyo pang magyakapan dito buong maghapon." Sabi ng lukaret na si Wila habang tatawa-tawang lumabas na rin at sabay isinara ang pinto.

Biglang nahiya si Jade kaya umalis na ito sa pagkakayakap sa akin at hinampas ako ng bahagya sa braso dahil natatawa ako sa kanya. "Bakit kasi hindi mo pa ako sagutin para wala nang umepal sayo?"

"FYI po.. wala pa akong nagiging boyfriend na sinagot ko ng mabilisan. Lahat sila months ang binilang bago nila nakamit ang matamis kong oo." Irap niya sa akin na ikinangiti ko.

"Girlfriend naman ako hindi boyfriend. So malaking iba yon Bibi. Isa pa niyan eh. Bata pa lang tayo ay nililigawan na kita. Siguro naman ay counted na yon kahit nawala ako ng ilang taon."

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now