More Than Words

4.5K 227 36
                                    

Althea's POV


Lumabas kami ni Jade ng restroom na parang walang nangyari. Pinauna ko siya sa paglabas bago ako sumunod. "Oh! Akala ko kung ano na nangyari sayo. Ang tagal mo kasi. Muntik na tuloy akong sumunod sayo don. Okay ka lang ba?" Nag-aalalang salubong sa akin ni Coleen sabay haplos sa kabilang pisnge ko.

Pasimple akong napasulyap sa gawi ni Jade. Putik! Ang sama ng tingin niya sa akin.

"Ehem! Okay lang ako Coleen." Sabay iwas ko rito. Agad na naupo ako sa pwesto ko. Nagtatakang sinundan naman ako nito ng tingin. Saka siya naupo sa pwesto niya across from me.

"Uhm.. order pa tayo? Ano pang gusto mo?" Alok nito sa akin.

"Ah.. hindi na thanks. Busog na ako actually." Tumango-tango ito habang nakatingin sa akin.

"So ayaw mo mag-dessert? Masarap ang---"

"No! Red wine would be fine." Putol ko sa sasabihin niya. "I'm okay with this." Turo ko sa isang bote ng red wine na malapit sa tabi ko. "You want some?" Tanong ko habang nagsasalin ako ng para sa akin.

"Sure Althea.. thanks." Nakangiti nitong tugon sa akin.

Maya't-maya ay napapasulyap ako sa gawi nina Jade at ng binatang aktor na ka-date nito. Waring nakahalata na ang babaeng kasama ko kaya sinulyapan na nito ang palaging tinitingnan ng mga mata ko.

Naiiling na tinapunan ako nito ng masamang tingin. "So kaya pala.. nandito pala siya."

Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Papaanong nalaman niya ang tungkol kay Jade? Unless sinabi na sa kanya ni Dad ang tungkol rito.

"Of course Althea I know her." Dagdag pa nito na labis kong ipinagtaka. "Siya yong first love mo, right?" Pagkabigay ko ng wine sa kanya ay agad nitong nilaklak hanggang sa maubos ang laman ng wine glass.

"Damn! Pati ba naman yon sinabi sayo ng parents ko?"

Napakunot ang noo ko nang magpakawala ito ng mahinang tawa. "We're schoolmate Althea. Doon din ako pumasok sa school na pag-aari nyo. Ahead ka sa kin ng one year habang ahead naman ako ng one year kay Jade." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. So matagal na pala ako nitong kilala. Kaya pala parang medyo familiar ang mukha niya sa akin. "Natatandaan ko pa noon kung pano ka pumorma dati para lang magpa-cute diyan kay Jade." Anitong napatawa ulit. Siya na ang nagsalin ng redwine sa baso niya at nilaklak niyang muli ng mabilisan.

"Hey! Hinay-hinay lang at baka malasing ka." Pigil ko sa kanya nang subukan niya ulit magsalin sa kopita niya.

"Hanggang ngayon ba ay patay na patay ka pa rin sa babaeng yan? Tingnan mo oh! Anong laban mo sa nag-iisang PJ Pascual?"

Gusto kong matawa sa kanyang sinabi. Dahil hindi naman siguro ako bibigyan ng chance ni Jade kung wala akong laban sa lalaking yon. "Eh bakit ikaw nagustuhan mo ako? Kung sakali bang pareho kami ni PJ na nanliligaw sayo siya ang pipiliin mo?" Hindi siya nakaimik. Nanatili lang ang mga matang nakatingin sa akin. "Answer me Coleen. Ano pipiliin mo ba siya over me?" Naghahamon kong tanong sa kanya.

Itinirik nito ang mga mata niya saka nakuhang sumagot. "Fine! Kung wala akong gusto sayo siyempre si PJ ang pipiliin ko. Pero dahil may gusto ako sayo. So ikaw ang pipiliin ko."

"Exactly!" Tampal ko ng mahina sa table. Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko. "Pwedeng ako ang piliin ni Jade kasi baka ako rin ang gusto niya." Napasimangot ito sa tinuran ko habang ako naman ay nangingiti.

"Imposible yon Althea.. straight siya. Hinding-hindi yon papatol sayo. Eh di ba binasted ka lang rin niya dati? Hindi ka pa ba nadadala?"

Nagkibit balikat ako upang asarin siya. "Wala.. mahal ko eh!!" Saktong pagsulyap ko ay nakatingin sa akin si Jade. Parang bigla tuloy lumundag ang puso ko sa sobrang galak.

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now