First date with her

5.7K 233 30
                                    

Althea's POV

Two weeks na ang nakaraan magmula nang may maganap sa amin ni Jade at ganon na rin katagal na hindi kami nagkikita nito.

Sa totoo lang ay miss na miss ko na ang babaeng iyon. Ang balita ko ay kasama ito sa out of town shooting ni PJ Pascual na ginaganap ngayon sa Baguio. Kung pwede ko lang sana siyang sundan doon ay nagawa ko na. Hindi kasi ako mapakali dahil kasama niya ang lalaking iyon.

"Hon okay ka lang ba?" Hindi ko alam na nilalaro-laro ko na lang pala ang pagkain sa plato ko.

"H-huh? O-oh sorry.. may.. may iniisip lang ako hon."

"Naninibago na ako sayo hon. Alam mo simula nang bumalik tayo ng Pilipinas nagkaganyan ka na. Parang hindi mo na ako..." Hindi nito naituloy ang sasabihin. Sa halip ay malungkot na napatungo na lang ito.

Magkasama kaming nagdidinner sa isang restaurant na malapit lang sa La Floresca Hospital na isa sa mga pag-aari ng G-Holding Corporation. Isa ang boyfriend ko sa maswerteng doctor na mapalad na natanggap dito. Dahil sa mataas na standard nila pagdating sa pagha-hire ng mga doctors at nurses. Doctor Jackson Roberto is very much qualified dahil kung susuriin lahat ng kanyang mga records ay talagang kahit saan siya mag-apply na bansa ay madali siyang matatanggap.

Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Kailangan ko na sigurong gawin kung ano ang nararapat. Dahil kung patatagalin ko pa ay baka mas lalo pa siyang masaktan.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga para humugot ng lakas ng loob.

Dahan-dahan kong inabot ang isa niyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng table at aking hinawakan.

Masuyo ko siyang tinitigan ng diretso sa mga mata. "I know na nagiging unfair na ako sayo Jak." Gulat na gulat ito nang tawagin ko na siya sa kanyang pangalan. Alam ko na nasasaktan siya. Dahil kitang-kita ang takot na rumihistro sa kanya mga mata. "I'm sorry pero.. pero kailangan na nating tapusin ito." Sabay bawi ko ng kamay ko. Ngunit muli niya iyong hinawakan ng napakahigpit.

"Hon may.. may nagawa ba akong mali? Please pag-usapan pa natin ito. Kung dahil ito sa schedule ng trabaho ko. Promise babawi ako. Huwag lang ganito." Namumuo na ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.

Subalit hindi na ako pwedeng umatras. Mas masasaktan ko siya kung ipagpapatuloy ko pa ang kung anong meron sa amin.

"Jak I'm inlove with someone else. Sana maintindihan mo ako."

Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya at binitawan na ang kamay ko. "Kelan pa ito Althea? Masaya naman tayo noong nasa Amerika pa tayo di ba? So umuwi lang tayo dito nainlove ka na agad sa iba?" Mahinang singhal nito sa akin. "That bullshit!"

"Jak matagal ko na siyang mahal. Bata pa lang ako mahal ko na siya." Sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Nakakatakot kasi ang mga tinging ipinupukol niya sa akin.

"Tell me the truth Althea. Is it your bestfriend huh? Yong lalaking tinatawag mo ng Pards?"

Gulat na napatingin ulit ako sa kanya. Ilang ulit pa akong napalunok. Shit! Pano ko ba aaminin sa kanya ang totoo?

"Althea answer me!!" Anitong galit na ang tinig.

"No.. h-hindi kay Pards."

"Eh kanino?! Kilala ko ba siya or hindi pa?" Galit pa rin nitong tanong sa akin. Hindi ko naman siya masisisi. Sinaktan ko siya kaya naiintindihan ko.

"Sinubukan naman kitang mahalin na ikaw lang Jak.. P-pero---"

"Pero ano?" Pigil ang pag-iyak na parang mahihikbi na anumang oras. "Mas mahal mo siya?"

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now