Love me like you do

5.7K 246 20
                                    

Althea's POV

Alam kong sinabi lang ni Tito Oscar na hindi sila tututol kung sakaling mapa-ibig ko ang anak nila dahil iniisip nila na imposible kong mapaibig si Jade. Minsan na kasi akong binasted nito.

Bagaman anak na rin ang turing nila sa akin ay may pakiramdam akong hindi nila ako nais para sa prinsesa nila kasi babae rin ako. Buong akala kasi nila ay tuluyan na akong natuwid dahil sa pagkakaroon ko ng boyfriend. Kaya tuwang-tuwa silang makita akong muli.

Ngunit nagkakamali sila. Dahil hanggang ngayon ay patay na patay pa rin ako sa bunsong anak nila.

Pagkatapos naming magdinner ay naiwan kami ni Jade sa sala. Lumabas kasi si Dennis dahil may tumawag ritong kliyente. Sina Tito at Tita naman ay umakyat na sa taas. Maaga raw kasi bukas si Tito dahil may out of town sila nina Dad.

"So kamusta ang trabaho Jade? Mukhang ginagabi ka sa pag-uwi." Basag ko sa katahimikan.

Sumulyap siyang sandali sa akin ngunit muling itinutok ang tingin sa tv. "Narinig ko ang sinabi mo kanina."

"Marami akong sinabi kanina. Alin doon?"

"Althea bakit mo sinabi sa pamilya ko na liligawan mo ulit ako?" Kunot ang noo na baling niya ulit sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang katanungan niya. Medyo kinakabahan kasi ako habang kausap siya. "Jade seryoso kasi ako sayo. Kaya gusto ko alam nila."

Naiinis na napailing siya sabay irap. "Kung magsalita ka ay para kang walang boyfriend."

"Bukas na bukas rin ay kakausapin ko na siya. Ipapaalam ko sa kanya na babae ang gusto ko." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Nahihibang ka na Althea! Mawawalan ng trabaho ang pamilya ko dahil sa mga kalokohan mo."

"Hindi mangyayari yon Jade. Kilala ko si Dad. Hindi niya ugaling mandamay ng ibang tao. Kung sakaling tutulan niya tayo ay ako lang ang makakaranas ng parusa sa kanya."

Tumawa siya na parang nang-aasar. "Gaano ka kasigurado na mapapasagot mo ako?"

"Kulang pa bang pruweba yong pagpayag mong halikan kita?" Taas ang isang kilay na sabi ko sa kanya habang nangingiti.

"Pruweba na yon sayo? Pano kung sabihin ko sayo na pumapayag rin naman akong magpahalik kay PJ?" Napasimangot ako sa isinagot niya. Muntik pa akong mapamura. Ugh! Parang tinutusok ang puso ko sa sobrang selos. Minsan ko na kasing marinig iyon mula sa binatang aktor na nahahalikan nga raw nito si Jade kapag nagdi-date sila.

"P-pero sinabi mo na mas masarap akong humalik." Malungkot na balik ko naman sa kanya.

Natahimik siya at muling ibinalik ang tingin sa harap ng tv. "Kiss lang iyon Althea. It's not a big deal."

"Big deal lang sayo kapag umabot na sa sex, tama ba ako?"

Nanlaki ang mga matang tinapunan niya ako ng masamang tingin. "Pervert!" Sabay hampas pa niya sa akin ng throw pillow na yakap-yakap niya kanina.

"Awtch! Biro lang Jade. Ang sakit nun huh! Parang dudugo pa yata ang nguso ko."

"Buti nga sayo. Ang manyak mo eh."

"Para yon lang manyak na?"

"Ewan ko sayo Althea! Ang mabuti pa ay umuwi ka na. Kasi gusto ko na rin umakyat sa taas."

"Oh, sorry Jade kung masyado na kita naaabala. Akyat ka na sa taas. Okay lang ako dito. Nandiyan naman si Pards eh."

Hay! Ang sungit talaga niya. Inirapan na naman ako. "Bahala na nga kayo diyan. Magpapahinga na ako sa kwarto ko." Aniyang tumayo na.

Can't Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon