Jelly Ace

4.7K 192 39
                                    

Jade's POV


Pagdating ko sa location ng taping ni Liza ay panay ang bati ko sa mga crew na nakakasalubong ko. Napakaganda kasi ng mood ko. I'm so inspired dahil sa masayang date namin kagabi ni Althea. Dinala niya ako sa isang fancy fine dining restaurant bago niya ako inihatid sa bahay namin.

"Goodmorning Ms. Jade.." Masiglang bati sa kin ni Quen na mas nauna pang dumating sa ka-LT nito. Nagbeso ito akin bilang pagbati.

"Goodmorning Quen! Si Liza wala pa?"

"She's on the way. Natraffic lang siguro yon."

"Ganon ba? Sige aayusin ko lang mga gagamitin niya para mamaya."

"Ms. Jade parang may kakaiba sayo ngayon."

"Huh? Ikaw Quen pinagloloko mo ako." Sabay hampas ko ng mahina sa braso niya. Tumawa naman ito sa akin.

"Hindi nga.. Para kasing inlove ka. Naks! Kayo na ba ni Kuya PJ?"

"Quen no! Ano ka ba! Huwag mo na nga lang akong pansinin. Medyo weird lang ako today." Natatawa ko ring turan sa kanya.

"Ang blooming mo kasi. May iba sayo eh.. parang inlove?" Muli na naman niyang birong tukso sa akin.

"Tse! Tigilan mo ako. Sasakalin na kita Quen." Tawang-tawa pa rin siya sa akin. Nakakaasar talaga siya.

"Si Ms. Jade inlove. Ayiieh..." Aba! Loko talaga tong lalaking ito. Ganadong mang-asar.

"Isa Quen! Makukurot na talaga kita." Ngunit mas lalo pa itong sinisiglahan kaya hinayaan ko na lang siya sa pang-aasar niya. Sa halip ay sinakyan ko na lang ang mga sinasabi niya.

Pareho kaming nagtatawanang dalawa nang biglang may sumulpot na tao sa likuran ni Quen. "Bro!" Sabay kaming napalingon rito.

"Ivan?" Gulat na sambit ko. Ano na naman kaya ang pinaplano nang ex kong ito? Teka! Sinusundan na naman ba ako nito?

"Oh excuse me.. magkakilala kayo?" Takang tanong sa amin ni Quen.

"Ivan hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?"

"Hey! Calm down Jade. I'm not here to stalk you."

"Uhm Ms. Jade sorry but he will be part of our serye. Mind to know kung bakit kayo magkakilala?"

Sasagot sana ako nang unahan ako ng mokong. "She's my ex girlfriend."

"Wow!" Pabaling-baling ang tingin sa amin ng binatang aktor. "Teka sandali exit muna ako para makapag-usap kayo." Sabay alis nito na ngumiti pa ng pilyo sa akin. Nang-aasar na naman kaya sinamaan ko siya ng tingin. As usual tumawa lang ulit siya sa akin.

"Jade I'm here for work, okay? No worries wala akong planong kulitin o guluhin ka. Masaya na ako na kahit papaano ay nakikita ka."

"Oh so nag-audition ka kasi alam mong nagtatrabaho ako kay Liza, tama?"

"Hey! For your information Jade. I never did an audition. They offered me this job. Bonus na lang yong nandito ka." Mayabang nitong sabi na kumindat pa sa akin. Napaingos ako sa kanya. Akala naman niya ay madadala pa niya ako sa mga ganong banat niya. Ew!

"Good morning po Ate Jade!" Nakahinga ako ng maluwag nang dumating na si Liza. Sa wakas ay maiiwasan ko na ang mayabang na ex ko.

"Excuse me Ivan." Paalam ko rito upang lapitan ang dalagang aktres na kararating lang kasama ang mga alalay at make up artist nito. "Hi Ganda.. good morning to you too." Ngiting bati ko rin sa kanya at nagbeso kaming dalawa. Nakipagbeso at nakipagbatian rin ako sa mga ka-close kong kasamahan niya.

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now