The Little Man

4.4K 168 18
                                    

Jade's POV

Simula nang magising ang asawa ko ay hindi na ako umalis sa tabi niya. Hindi pa siya totally nakakapagsalita pero nakikita niya kami.

Sinabihan kami ni Dok na maghinay-hinay sa pagkukwento habang hindi pa siya masyado nakakarecover. Baka raw kasi makasama sa asawa ko.

Nang magsidatingan ang family niya ay halos hindi sila magkamayaw sa sobrang saya. Niyakap ako ng Mommy niya habang umiiyak dahil na rin sa sobrang tuwa. "Thank you Jade for not giving up on her. I know she came back for you and for my grand son."

"No mom! She came back for us. She loves the whole family."

"What I mean is hindi ka naghanap ng iba. Marami kang nakakasalamuhang tao na pwedeng magkagusto sayo pero pinili mo pa ring hintayin ang anak ko."

"Hindi po ganon kababaw ang pagmamahal ko sa anak nyo Mommy. Nagpakasal po ako sa kanya kasi.. kasi wala na po akong naiisip na ibang makakasama sa pagtanda kundi siya lang po. Mahal na mahal ko po ang anak nyo Mommy."

Muli ay niyakap na naman niya ako but this time ay nakiyakap na rin si Daddy sa amin. Sina Kuya Gab at Kuya Marco ay nasa tabi ni Althea. Sinusubukan nila itong kausapin.

"Kapatid ko nakikilala mo ba kami? Ako ito si Kuya Gab mo. Ito naman si Kuya Marco mo."

Pinagmasdan muna sila nito at pagkatapos ay naluluhang tumango ito sa kanila. Tuwang-tuwa namang napatingin silang lahat sa akin bago ulit ibinaling ang tingin kay love.

"Thanks God! Gumising ka na rin. Ang tagal mong natulog baby girl." Dahil sa sinabi ni Kuya Gab ay sinamaan siya nito ng tingin. Ayaw na ayaw kasi ni love na tinatawag siyang baby girl. Sa halip ay napatawa pa ang mga kuya niya.

"Mga hijo huwag nyo munang asarin ang kapatid nyo." Saway ni Mommy sa kanila. "Jade hija.. Nasaan ang apo ko? Hindi ba dapat ay naririto siya para makita siya ng meme niya."

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa unang pagtatagpo ng anak ko at ng Meme niya. "Nandito siya Mommy nang magising ang Meme niya. Kaso pinauwi ko na muna kasama ang yaya niya."

Tumingin muna ito sa anak niya bago ulit bumaling sa akin. "I see.. Kailangan muna niyang makarecover. Baka makasama sa kanya ang matinding emusyon kapag nalaman niyang ganon na palang kalaki ang anak niya."

"Iyon nga po mommy ang bilin sa akin ni Dok."

"May ang awa ang diyos hija. Makakarecover din agad ang asawa mo. Manalig lang tayo."

"Opo Mommy.."

+++++++

After 3 days bago pa nakapagsalita si Althea. Medyo nauutal pa rin pero pinipilit naman niyang ayusin. Then naigagalaw na rin niya ang mga kamay niya sa tulong ng mga magagaling na therapist.

"B-bibi totoo bang 4 years akong naka-coma?" Malungkot ang boses niyang tanong sa akin na nakatungo.

Mataman ko siyang pinagmasdan. Ang putla-putla pa rin niya at sobra ring payat. "Huwag mo nang alalahanin pa iyon love. Ang importante ay nagising ka na. Makakasama ka na ulit namin." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin na tila biglang na-puzzled ang itsura. "Ang anak natin? So i-ibig sabihin malaki na siya?"

Hinawakan ko ang kabilang pisnge niya at buong pagmamahal na hinaplos. "May nakita ka bang bata dito noong unang araw na magising ka?"

Natigilan itong sandali nang tila may maalala. "S-siya na yong anak natin?" Gulat na gulat niyang tanong sa akin.

Medyo emosyunal na tumango ako sa kanya. "Yes love! Siya na yong anak natin."

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now