Dreams Never End

5.5K 171 19
                                    

Althea's POV

Hindi ako makapaniwala sa naghihintay na surpresa para sa akin. Wala akong ginawa kundi ang magpunas ng luha at ang tumawa sa mga messages nila. Kay sarap sa pakiramdam na maraming tao pala ang nagmamahal at nagpapahalaga sa akin. Kabilang na ang mga importanteng tao sa buhay ko.

"First of all! I just wanna say thank you especially kay Lord for giving me a chance to live. I'm so lucky na nabuhay pa ako. Dad.. Mom.. Kuya Gab.. Kuya Marco.. at sa mga sister in laws ko. Thank you sa suporta at pagmamahal nyo. Hindi nyo ako pinabayaan." Gumagaralgal na yong boses ko dahil sa matinding emosyon.

"Sa asawa ko at sa anak ko.. Thank you kasi hindi nyo ako sinukuan. Hindi kayo nawala sa tabi ko. Mahal na mahal ko kayong lahat. Sa mga kaibigan ko rin na naririto ngayon. Lubos rin akong nagpapasalamat sa inyo. Sa mga kwento at messages nyo.. sobrang naantig ang puso ko." Hindi ko na napigil ang mga luhang kusa na lang kumawala sa mga mata ko. To the rescue naman itong asawa ko na nag-abot sa akin ng tissue.

"Thank you rin sa mga bisitang dumalo. Sa mga malalapit na kaibigan, empleyado at mga katrabaho. Maraming salamat din sa pagpunta nyo." Nagsipalakpakan naman silang lahat nang tapusin ko na ang speech ko. Wala na rin kasi akong naiisip pang sabihin. Dahil hindi ko naman napaghandaan ang bagay na ito.

"Love meron pa kaming surpresa para sayo." Nakangiting sabi sa akin ng asawa ko.

Paglingon ko sa projector screen ay kusang bumalong na naman ang mga luha sa mga mata ko. "Oh my god!" Hindi makapaniwalang bulalas ko.

Pinagsama-sama at pinaghalo-halong video clips at pictures ng anak ko mula pagkasilang sa kanya. Pinakamaraming kuha ay sa loob ng hospital kung saan wala akong malay at may mga aparatong nakakabit sa katawan ko.

"Love, look at your son. May mga teeth nang tumutubo oh." Bagaman nakatawa ay halatang malungkot ang mga mata niya. "Baby look si Mommy. Ang himbing pa rin matulog."

"Meme?! Meme?!" Biglang bigkas ng bata. Si Jade ay bahagyang natigilan at maluha-luhang napayakap sa kanya.

"Oh gosh! That's the first word I heard from him." Sabi ng boses na may hawak ng videocam. Kung hindi ako nagkakamali ay si Ate Pearl iyon na asawa ni Kuya Gab.

"Of all words Ate Pearl!" Umiiyak na sabi naman ng asawa ko bagaman nakatawa ang mukha niya. "Meme ang unang word na nabigkas niya."

Bumuhos lalo ang masaganang luha sa aking mga mata. Hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap sa akin ng asawa ko. "Thank you mahal ko." Pabulong na sabi ko sa kanya.

"Sshhh.. Love ang panget mo na. Iyak ka ng iyak."

"I can't help it Bibi! Ang sarap nyong panoorin and it's means a lot to me. Walang katumbas na halaga itong regalo mo sa akin."

Nagfocus na ulit kami sa harap ng screen. Iba't-ibang klase naman ng video clips at pictures. Merong tumatawa, umiiyak at nagsasayaw na video clip ang anak ko. Kaya tawa at iyak na naman ako.

Sobrang cute niya talaga. Kitang-kita ko rin sa mukha ng asawa ko ang labis na kasiyahan sa pagkakaroon niya ng isang Aljed na napakabibo at sobrang kulit.

May video rin ito kung kelan unang naglakad. Nakakatuwa kasi wala pang one year old noong matuto siyang maglakad.

Ngayon naman ay ang 1st birthday ni Aljed na ginanap sa aming maliit na bakuran.

Lumingon ako sa paligid at hinanap ng mga mata ko ang anak namin ni Jade. Nakaupo pala ito sa tabi nina Mommy at Daddy. Minustrahan siya ng Mama niya na lumapit sa amin. Ibinaba siya ni Daddy sa upuan at nagtatakbo nang palapit sa amin.

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now