Sweet Revelation

4.3K 191 36
                                    

Jade's POV

Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko kasi mapigilang hindi magselos sa babaeng iyon. Hay, ewan ko ba! Basta nababadtrip ako kay Althea.

Pagbalik ko sa table ay kay Gael ako tumabi ng upo. Nagulat pa ito sa akin nang malingunan ako. Lahat rin sila ay napatingin sa akin.

"Gael!" Minustrahan ito ni Althea na parang nakikipagpalit ng pwesto. Kamot sa ulo na tumayo naman ito ngunit maagap na pinigilan ko.

"No Gael! Kaya nga ako dito umupo kasi ikaw ang mas gusto kong katabi." Wala itong nagawa kundi ang bumalik sa pag-upo.

Pansin ko ang pagtiim-bagang ni Althea na tila galit na. Tss! Wala akong pake sa kanya. Doon na lang siya sa malanding babae na Nathalie na yon. Hmp!

"Uhm.. Pards nagtext na si Jen. Susunduin ko lang sandali." Tinanguan lang ito ng matalik na kaibigan. "Guys alis muna ako. Balik ako agad."

"Sige ingat ka tol."

"Ingat Pre.."

"Drive safely Den-den."

Kanya-kanyang tugon ng mga kaibigan nito.

"Salamat guys. Bunso diyan ka muna ha? Susunduin ko lang ang Ate Jen mo."

"No problem Kuya. Ingat ka.."

Ramdam siguro ni Kuya ang inis ko kay Althea dahil sa babaeng ipinakilala nito sa amin kanina. Kaya hindi niya ako sinaway nang kay Gael ako tumabi ng pag-upo.

"Jade okay ka lang ba? Tingnan mo si Tol oh! Parang wala na yata sa mood." Pabulong na sabi sa akin ni Gael.

Kaya napasulyap ako sa gawi ni Althea. Panay ang paglalak nito ng beer habang sa stage nakatutok ang tingin at pinapanood ang bandang tumutugtog doon.

"Hayaan mo nga siya. Kapag bumalik yong Nathalie I'm sure na masaya na ulit yan."

Napatawa sa kin si Gael. "Hindi ka naman nagseselos niyan?"

"Hindi ah!" Mabilis kong tanggi sa sinabi nito. "Bakit naman ako magseselos?"

"Sus! Hindi raw. Bakit defensive ka?"

"Hindi ako defensive!"

Tatawa sana ulit si Gael ngunit nang mapansin nitong masama ang tingin sa kanya ni Althea ay biglang tumahimik ito. Nagkibit-balikat ito at bumaling sa mga nagbibiruang sina Tom at Ketchup.

Walang pumapansin sa badmood ni Althea. Kilala kasi nila ang kanilang kaibigan na kapag ganito ang mood nito ay mas maigeng huwag na lang muna pansinin kung ayaw nilang masira ang kanilang gabi.

Nang muling magkasalubong ang aming mga tingin ay inirapan ko lang ulit siya. Naiinis pa rin talaga ako sa kanya eh.

Bigla namang sulpot ng babaeng malandi galing kung saan. "Althea my darling dito muna ako please. Nabobored ako don eh." Sabay upo ng babae sa tabi ni Althea kung saan ako nakaupo kanina.

Mas lalo akong nabubwisit. Gusto ko na sanang mag-walk out. Ngunit ayoko namang magmukhang ewan sa harap nila.

"Okay lang Nathalie tutal wala namang nakaupo diyan." Aniyang sabay tingin sa akin.

Ah ganon! Mas lalo akong ginagalit ng babaeng ito. Bahala talaga siya sa buhay niya.

Hindi ko alam na medyo napapadami na pala ang naiinom ko. Napansin ako ng katabi kong si Gael. "Easy lang Jade. Ikaw ang gusto ni Tol. Huwag kang masyado magpaapekto sa selos mo." Pabulong na sabi nito sa akin.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko nang daklutin ko ang kwelyo nito at biglang halikan ito sa labi. Gulat na gulat ito sa ginawa ko. Lahat sila ay napa-ohh..

Can't Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon