The First Time

5.2K 200 46
                                    

Jade's POV

Kanina pang lutang ang isip ko. Hindi mawala-wala sa utak ko ang ginawang pangte-tease sa kin ni Althea. "Gosh! Mababaliw na yata ako."

"Mamshie okay ka lang diyan?" Nag-aalalang tanong sa kin ng baklang manager ng boutique shop na pag-aari ko.

"H-huh? Oo naman, I'm okay. Bakit?"

"Kasi pagdating mo na dito parang parati kang natutulala. May problema ka ba?"

"Hay naku! Mamsh huwag mo na lang akong pansinin. Medyo nabubuang lang ako ngayon." Natatawa kong turan sa kanya. Nakakahiya kasi kung sasabihin ko sa kanya ang totoo. Ang hirap kasing i-explain nitong nararamdaman ko. Baka hindi niya ako maintidihan. Sobrang nasasabik kasi ako kay Althea na hindi ko maunawaan.

"You know what Mamshie? Ang blooming mo. Mukha kang inlove." Anitong pinagmamasdan ang itsura ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko na napatingin sa kanya. "A-ano? Ikaw talaga Mamsh. Puro ka biro. Hindi noh!"

"Hmp! Hindi raw. Mamatay?" Maarte nitong sabi na nakapamaywang pa.

Ang hirap talagang paglihiman ng baklitang ito. Kaya't napanguso na lamang ako sa kanya habang napapangiti. "Grabe ka sa akin Mamsh!"

"Halalalala! Mamshie iba talaga yang ngiti mo eh. Merong something sa napakagandang smile na yan. Tell me who's the lucky guy?" Na-eexcite niyang tanong sa akin. "Hmm.. I don't think so kung si PJ yan, kasi matagal ko nang napapansin na hindi mo siya feel." Anitong parang kiti-kiti na may pagpadyak pa ng mga paa niya.

Paano ko nga ba sasabihin sa kanya na girl at hindi guy ang gumugulo ngayon sa puso at isipan ko? Ang hirap namang umamin kapag ganito ang sitwasyon. Hindi ko alam kung magiging proud ba ako or mahihiya. "Mamsh hindi pa naman kami eh. So saka na lang kapag kami na. Okay?"

Napaingos ito sa akin at itinirik ng kanyang mga mata. "Ganon bang ka-kumplikado ang lahat para ilihim mo yan sa kin Mamshie?" Anito na parang nagtatampo ang tono.

"Sorry Mamsh.. hindi ko pa pwedeng sabihin eh. Sa ngayon ay masyado pang magulo."

Pinasadahan niya muna ako sandali ng tingin bago ulit nagsalita. "Oh, siya! Ang importante lang naman sa akin ay maging masaya ka. Alam mo namang love kita eh."

"Thank you Mamsh!" Tuwang-tuwang niyakap ko siya. Bago ko pa siya gawing manager ng boutique ay kaibigan ko na talaga siya. "Mahal din kita."


**********

Pag-uwi ko ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hindi kasi ako mapakali. Parang may nagdidikta sa utak ko na magpunta sa condo ni Althea.

"Ugh! Bahala na nga." Nagtungo ako sa banyo at nagmadaling magshower. Wala pa kasi sina Dada at Mama. Kailangang makaalis agad ako bago pa sila dumating. Kundi ay mahihirapan na ako na pagpapaalam sa kanila. Ang hirap pa naman magsinungaling sa harap nila. Atleast kung message lang ay hindi ako masyadong magi-guilty kahit magsinungaling pa ako.

"Ma'am saan po ang punta nyo?" Tanong sa akin ng isang helper na nakasalubong ko.

"May lakad ako with my friends. Pakisabi kina Dada at Mama baka bukas na ako makauwi."

"Sige po Ma'am. Ingat po kayo."

"Thanks Manang." Malalaki ang hakbang na nagtungo na ako sa sasakyan ko. Hooo!! Naeexcite ako na hindi ko mawari. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang naging epekto sa akin ng ginawang pangte-tease sa akin ni Althea.

Hindi pa masyadong traffic kaya madali akong nakarating sa condo niya. Meron ako spare key kaya nakakapaglabas-pasok ako doon.

Nang makapasok ako sa loob ay napatingin ako sa wall clock, 6pm na pala ng gabi. Marahil ay pauwi na iyon ngayon. Nagbuklat ako sa ref ng maaaring iluto. I'm sure gutom yon pagdating niya.

Can't Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon