Caught Off Guard

4.1K 158 16
                                    

Althea's POV

"B-bibi.." Hihimatayin pa yata ako sa sobrang nerbyos. Jusko! Kung bakit kasi siya dumarating ng wala man lang pasabi. Tuloy ay napaka-awkward ng aming sitwasyon ngayon.

Naistatwa silang dalawa habang nakatingin sa isa't-isa. Ako naman ay heto at hindi mapakali dahil hindi malaman kung anong gagawin. Baka kasi mapraning na naman itong girlfriend ko at makaisip na naman ng pakikipaghiwalay. Shet! Hindi pwedeng mangyari yon. Kailangan ko itong malusutan.

"Baby Girl lunch na tayo!!" Sabay silip ni Kuya Gab sa nakasiwang na pinto. Medyo nagulat ito nang mabungaran si Jade then napatingin din siya kay Jessy. Saka siya bumaling ng tingin sa akin na may mapang-asar na ngiti.

Tila nabasa niya ang facial expression ko na kailangan ko ng tulong. Kaya tuluyan na rin itong pumasok sa loob.

"Hi Jade!" Patay malisyang bati nito sa girlfriend ko na agad naman nitong ikinalingon.

"H-hello po Sir Gab! Uhm.." Ngayon lang pala ulit sila nagkaharap ng Kuya ko. Kaya ganon na lang ang hiya niya nang makaharap ito.

"Kamusta na?" Sabay beso ni Kuya sa kanya. Putek! Bahagya pa akong nakahinga ng maluwag. Mabuti na lang at maaasahan ko sa lahat ng bagay ang Kuya Gab kong ito.

"Mabuti naman po ako Sir." Nag-aalangan pa rin niyang tugon sa nakatatanda kong kapatid.

"Hey! Don't call me Sir. Alright? Future sister in law kita kaya dapat Kuya Gab na lang ang itatawag mo sa kin."

Bahagyang pinamulahan ng mukha si Jade sa sinabi ni Kuya. Ngunit makaraan ang ilang sandali ay napangiti ulit siya rito. "Okay sure Kuya Gab."

"Awesome, right?"

Tumango siya kay Kuya na medyo nahihiya pa rin. "Yeah! Of course."

"So uhm.. Jessy mukhang ikaw na lang ang aayain ko maglunch. Let's go?"

"Ah.. Yeah! Sure Kuya. Pero okay lang ba sayo ang pasta at pizza?"

"Oo naman noh! Siyempre gustong-gusto ko yan." Inagaw nito ang bitbit ng dalaga upang siya na ang magdala palabas. "Mauna na kami love birds. Lock namin ang door para walang makadistorbo sa inyo." Pilyo nitong biro sa amin at pagkatapos ay pasimpleng kumindat sa akin. Naiiling na napangiti ako sa kanya. Kung minsan kasi ay may pagkaalaskador din itong si Kuya Gab na ewan kung saan niya namana. Hindi naman kasi ganyan sina Mom and Dad.

"Thank you." I murmured before he left.

Nang makalabas ang dalawa ay saka nanumbalik ang pagiging tigre ng girlfriend ko. "Bibi hindi ko nam---"

"Akala ko pa naman masusurprise kita. Eh ako pala itong nasurprise."

Ipinatong niya ang dalang lunchbox sa centre table at walang ganang naupo sa couch. Pagkatapos ay nagcross arm pa habang nakabusangot.

Agad na lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. "Bibi wala kang dapat na ikaselos kay Jessy. Ilang beses ko bang sasabihin sayo yon? Mabait lang talaga yong tao and one more thing is pinsan siya ng asawa ng Kuya Marco ko."

Iritableng napatingin siya sa akin at pagkatapos ay umirap. Hayst! Ang sungit. Mabuti na lang at sobrang ganda niya. Kaya bagay rin sa kanya kahit magsuplada siya.

"Iba kasi ang pakiramdam ko sa kanya. Parang may gusto siya sayo love."

"Bibi kung ano-anong iniisip mo. Nakita mo naman kung gaano rin siya ka-close sa Kuya ko di ba?"

"Then why is she bringing food for you? Alam niyang pinag-awayan na natin siya, hindi ba? So kung wala talaga siyang gusto sayo. Eh di dapat dumidistansya na siya."

Can't Get Over YouOnde histórias criam vida. Descubra agora