Feelings for you

5.4K 245 35
                                    

Althea's POV


Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakamasid sa labas ng bahay ng mga Henares. Nagulat na lang ako nang may marinig akong nagbubukas ng gate kaya isinara ko na agad ang bintana ng sasakyan. Nataranta ako kaya hindi ko agad nagawang mag-start ng engine.

"Altheaa.." Natigilan ako nang sandaling marinig ko ang isang familiar na tinig.

"Jade?" Parang biglang tumalon ang puso ko nang maaninag ko ang mukha niya na nakatayo sa labas ng gate. Shet! God knows how much I missed this lady.

"Althea.." Muli niyang tawag sa akin. Tila inaaninag niya ako sa loob ng aking sasakyan.

Nag-ulap ang mga mata ko habang pinagmamasdan ko siya.

Muli kong ibinaba ang window upang makita niya ako. "Jade.." Nahihikbi kong tawag sa kanya.

Patakbong lumapit siya sa akin kaya lumabas na rin ako ng aking sasakyan upang salubungin siya.

"Althea.." Nagulat ako nang bigla na lang niya akong yakapin. Geez! This is the first time na niyakap niya ako sa buong buhay ko. Feeling ko ay nanigas ang buong katawan ko. Hindi agad ako nakagalaw at nakakibo. Kaya nang makabawi ay gumanti na rin ako ng isang napakahigpit na yakap sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya namiss.

Kaysarap pala sa pakiramdam kapag kayakap mo ang taong pinakamamahal mo. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Kung pwede ko lang sanang patigilin ang oras. Para mayakap ko pa siya ng mas matagal pa ay nagawa ko na.

"Althea.. Althea hindi na ako makahinga." Teka! Napasobra yata ang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya. Kaya dahan-dahan ko na siyang binitiwan.

"S-sorry Jade.. N-nasabik lang kasi ako sayo. You know.. it was the first time in my life that you hugged me." Medyo naiiyak pa rin ako bagaman nangingiti na dahil may kahalo nang kilig.

Yakap pa lang iyon pero parang mababaliw na ako sa sobrang tuwa.

Sandaling dumaan ang mahabang katahimikan. Tila pareho kaming nangangapa sa kung anong dapat na sabihin.

"Uhm.. Jade huwag mo sanang mamasamain ang itatanong ko sayo." Panimula kong sabi sa kanya. Kinakabahan rin kasi ako sa maaari niyang isagot.

"O-okay, ano yon?"

"Bakit mo ako niyakap?"

Tila bigla siyang nahiya at nag-iwas ng tingin sa akin. "Hindi ko rin alam Althea. Parang may.. parang may nagdikta lang sa isipan ko na yakapin kita." Sumandal siya sa gilid ng sasakyan ko. Kaya ganon din ang ginawa ko. Magkatabi kaming nakatayo habang nakatingin sa kalangitan.

Well hindi man siya maging akin ay mamahalin ko na lang siya ng palihim. Kung kaibigan lang ang kaya niyang ipagkaloob sa akin. So be it! Tatanggapin ko na lang siguro iyon. Ang mahalaga ay nakikita at nakakasama ko siya. "Kasalanan ko kung bakit hindi tayo naging close bilang magkaibigan. Bata pa lang kasi tayo ay nililigawan na kita."

Bahagya siyang napatawa sa sinabi ko. Nakakapagtakang hindi siya naiinis na ipaalala ko iyon sa kanya. "Oo ang kulit-kulit mo nga dati eh. And you making me pissed off everytime." Sabi pa niya habang natatawa pa rin. Bagkus ay biglang natahimik. "Pero namiss kita noong mga panahong hindi mo na ako pinapansin."

Nanlaki na naman ang mga matang napasulyap ako sa kanya. "You silly! Don't make me confused again Jade. Alam mong mahal pa rin kita hanggang ngayon." Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako or dinadaya lang ako ng aking paningin. Dahil nakita kong napangiti siya.

"Hindi ka ba naaawa sa boyfriend mo?" Tugon niya sa halip. Oh, wait! Is she flirting with me? Muli akong napasulyap sa kanya. "I mean nakikipagrelasyon ka sa kanya pero may iba ka pang minamahal bukod sa kanya."

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now