Here I am

5.4K 254 21
                                    

Althea's POV


Akala ko nakalimutan ko na siya. Ngunit parang mas lumala pa yata ang nararamdaman ko para sa kanya lalo nang muli ko siyang makita. Hindi ko maintidihan kung bakit hanggang ngayon ay siya pa rin.

"Hon are you alright? Kanina ka pang tahimik."

"Hm? Wala hon masakit lang ang ulo ko. Hatid mo na lang ako sa condo ko. Okay lang ba?"

"Sige hon. Puyat lang siguro yan. Ang mabuti pa nga ay magpahinga ka na muna." Sinulyapan niya akong sandali. Tila nakakaramdam siya ng kakaiba sa akin. "Okay ka lang ba talaga?" Hinagilap niya ang kamay ko. Bagaman napapitlag ako ay hinayaan ko lang siyang iholding hands ako. "Pasensya na hon kung hindi kita masasamahan ngayon. Kailangan ko kasing bumalik ng hospital eh."

"Okay lang hon. Mas gusto ko rin namang mapag-isa. Tawagan mo na lang ako mamaya kapag nakauwi ka na sa inyo."

"Yes Ma'am.. tatawagan talaga kita para icheck kung okay ka."

"Ginagawa mo naman ang akong bata hon. Kaya ko ang sarili ko." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Siyempre girlfriend kita kaya dapat naaalagaan kita ng mabuti. Ano pa at naging doktor ako kung wala akong silbi sa mga taong mahal ko. Pakakasalan pa kita di ba?" Aniyang bahagyang natawa sa kanyang sinabi.

Pogi naman siya at mabait. At kahit na sino sigurong babae ang ayain nitong magpakasal ay hindi makakatanggi. Ngunit sa case ko ay puno pa rin ako ng pag-aalangan sa kanya. Dahil muling binulabog ni Jade ang inaakala kong tahimik ko nang mundo.

Buong akala ko pa naman kapag nakita ko na ulit siya ay tuluyan na siyang mawawala sa sistema ko. Ngunit kabaligtaran pa ang nangyari dahil mas nahulog pa yata ako sa kanya. Kaya ngayon ay binabalot ng takot itong puso ko.

Sa halip ay nagkunwari na lang akong kinikilig upang hindi ito mag-isip ng kung ano. "Ay! Hon huwag ka muna magpopropose. I'm not yet ready to settle down."

"But we're in the right age na hon. I'm so excited na to have a baby with you. Little me and of course little you." Halata sa mukha niya ang kasiyahan habang sinasabi ang mga katagang iyon na labis ko namang ikinakabahala.

Jade what are you doing to me? Bakit hindi ka mawala sa isip ko?

**Flashback**


Nine years old lang ako noong una akong makapunta sa bahay ng kaibigan kong si Den-den. Inimbitahan kasi ako ni Tito Oscar sa 7th Birthday ng bunso niyang anak na babae. Tito ang tawag ko sa kanya dahil tatay siya ng bestfriend ko.

"Matutuwa si Den-den kapag nalaman niyang kasama kita hija. Mabuti na lang at pinayagan tayo ng Daddy mo."

"Ako pa! Malakas ako sa Daddy ko. Tsaka sa inyo naman po kasi ang punta ko Tito Oscar eh." Napatawa siya sa akin at bahagya niyang ginulo ang buhok ko.

"Ang cute-cute mo talagang bata. Masaya ako na magkasundo kayo ng anak kong si Dennis."

"Ang bait po kasi ng anak nyo eh. Pinagtatanggol ako sa mga bully na bata."

Tumawa ulit siya habang patuloy sa pagmamaneho ng sasakyan. "Mana sa akin eh. Mabait rin ako kaya mababait rin ang mga anak ko."

Nagmake-face ako dahil hindi ako kumbinsido sa kanyang sinabi. "Parang si Dennis lang naman po ang mabait. Si Jade po kasi masungit. Hindi niya ako pinapansin sa school."

"Hindi yon masungit. Mabait na bata yong bunso kong yon. Basta kilalanin mo lang siyang mabuti. Sweet na bata yon eh."

"Hm.. well sana magustuhan niya itong gift ko sa kanya. Para maging close na rin kami."

Can't Get Over YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt