Beautiful You

4.4K 202 27
                                    

Althea's POV

Out of town na naman si Jade ng 3 days para sa isang shooting na siya raw ulit ang kinuhang stylist.

One day pa lang siyang nawawala ay miss na miss ko na agad siya. Mabuti na lang at itong si Kuya Gab ay tinatambakan ako ng napakaraming trabaho. So hindi ko masyadong naiisip ang girlfriend ko.

"I heard na nasa Cebu raw ang girlfriend mong si Jade?" Biglang basag ni Kuya Gab sa katahimikan. Nasa loob kami ng conference room dahil katatapos lang ng meeting with all managers ng finance & marketing department.

Kami lang magkapatid ang naiwan dahil may binabasa pa akong report ng financial status ng company at ganon din si Kuya Gab. Pareho kaming nakatutok sa mga papers na hawak namin.

"Yes Kuya, bakit mo naitanong?" Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Bakit hindi mo siya puntahan? Sige ka baka pormahan ng iba yon doon. Sobrang attractive pa naman ni Jade." Aniya sa nanunuksong tinig. Napatawa pa siya nang mag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Seriously?! Pinapayagan mo akong umalis?" Hindi maipagkakaila sa boses ko ang excitement. Kaya tinawanan na naman ako ng magaling kong kapatid. "Kuya naman eh!" Inis na maktol ko sa kanya.

"What?!" Sabay tawa niya ulit. "Alam mo ikaw. Grabe ang tama mo diyan kay Jade. Napasagot mo na nga ay parang nililigawan mo pa rin."

"Kuya buong buhay ko ngayon lang ako naging masaya ng sobra. Kaya pagdating kay Jade ay gagawin ko ang lahat para hindi siya mawala sa akin. Mahal na mahal ko siya eh. Alam mo yon?! Iba talaga ang epekto ni Jade sa kin. Hindi ako masaya na wala siya."

Napasandal siya sa upuan at mataman akong pinagmasdan. "Well, bakit hindi ka pa magpropose ng kasal para makasama mo na siya sa iisang bubong?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Jusko! Seryoso ba siya? "Kuya hindi ko siya pwedeng biglain. Wala pa kaming isang taon para mag-aya na ako sa kanya ng kasal. Baka.. baka hindi pa siya ready."

Naiiling na napatawa siya sa akin. "Sige na mahal kong kapatid. Sundan mo na siya don."

Ang lapad ng mga ngiti ko sa tinuran niya. "Talaga Kuya? Pero pano kapag nalaman ni Dad na umalis ako?"

"Tsk! Ako na ang bahala kay Dad. Sige na puntahan mo na si Jade."

"Salamat Kuya! Yey!! You're the best Kuya in the world talaga." Niyakap ko siya sa sobrang galak.

"Huwag na huwag mo yang sasabihin sa harap ng Kuya Marco mo. Pihadong magtatampo yon sayo."

"Eh mas mabait ka naman talaga kaysa sa kanya. Masyadong strict sa kin yon eh. Nasermunan pa niya ako last time tungkol sa pakikipagrelasyon ko kay Jade. Dinaig pa si Dad kung pagsalitaan ako." Naiiling na kwento ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Concern lang sayo ang Kuya Marco mo kapatid ko. Kaya pagpasensyahan mo na lang yon. Sino ba kasing mag-aakala na maiinlove rin sayo si Jade di ba?" Sabay tawa ulit niya ng nakakaloko kaya napasimangot ako.

"Nakakainis ka naman Kuya." Ingos ko sa kanya. "Oo babae ako pero higit na mas pogi naman ako kaysa sa inyo!" Mas lalong napalakas ang tawa niya na tila nang-aasar pa.

"Inggit lang siguro kayo ni Kuya Marco sa kin kasi mas maganda ang girlfriend ko kaysa sa mga asawa nyo." Balik asar ko rin sa kanya. Kaya napatigil na siya sa pagtawa.

"Pasalamat ka mahal kita kapatid ko. Kaya sige ikaw na ang higit na mas pogi at ikaw na rin ang may pinakamagandang girlfriend. Ano happy?"

Ako naman ang biglang napatawa sa sinabi niya. Iba talaga itong si Kuya Gab. Kakampi ko siya palagi all the time. Kahit na kadalasan ay nagiging sakit ako sa ulo ay hindi niya ako pinapabayaan.



Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now