Can't Help It

5K 243 29
                                    

Althea's POV

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog na yakap-yakap siya. Gising na ako pero ayoko pang magmulat ng mga mata. Kaysarap sa pakiramdam. Gusto ko pang damhin ang init ng kanyang katawan. Hmm.. ang bango-bango niya. Mas lalo ko pang isiniksik ang katawan ko sa kanya.

Naramdaman ko ang paghaplos ng isa niyang kamay sa likuran ko pababa sa pang-upo ko. Shit! Nagdulot iyon ng kakaibang init sa katawan ko na hindi ko alam kung paano pipigilan.

"Jade please.. baka hindi na ako makapagpigil." Hirap na hirap kong bigkas. Dinidilaan niya kasi ang tenga ko.

Oh my gosh! Pinisil niya ng bahagya ang kabilang side ng butt ko. Napaungol ako sa ginawa niya. "You're making me crazy mahal ko." Hinagilap ko ang magkabila niyang pisnge at ginawaran siya ng mapagparusang halik sa labi. Para siyang natuod dahil hindi siya kumikibo. Kaya napangisi ako nang tumugon na siya sa mga halik ko. Damn! She's so hot.

Naglumikot na ang mga kamay ko sa maseselang bahagi ng katawan niya. "Ihhmnn.. Althea." Mahina niyang daing. Hindi siya pumapalag kaya ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko sa kanya. Napapaungol siya kaya alam kong nagugustuhan rin niya.

'Althea hindi tama ang ginagawa mo. Kung gusto mong mahalin ka ni Jade igalang mo siya.' Bulong ng utak ko kaya bigla akong natauhan. "I'm sorry hindi tama ito." Agad na dumistansya ako sa kanya. Bumangon ako at naupo patalikod sa gilid ng kama. "Ayusin mo na ang sarili mo Jade. Iuuwi na kita sa inyo."

Walang imik na bumangon na rin siya. Sinuklay ang buhok gamit ang kamay niya at pagkatapos ay .tumayo na. "A-anong oras na?"

"5:30 na ng hapon." Tipid na sagot ko.

"Okay. Huwag mo na akong ihatid. May iba akong pupuntahan." Aniyang diretsong nagtungo sa loob ng banyo.

Tumayo ako at nagpalakad-lakad. Hindi ako mapakali. Galit yata siya sa akin. Shit! Anong gagawin ko?

After ten minutes ay bumukas na rin ang pintuan ng banyo sa wakas. Kaya patakbo akong lumapit sa kanya. "Jade.."

"Althea aalis na ako." Aniyang hindi tumitingin sa akin. Nagsimula na rin siyang humakbang palabas ng kwarto ko.

"Jade sandali.." Harang ko sa daraanan niya. "Galit ka ba sa kin?"

Marahas na napabuntong hininga siya at pagkatapos ay seryosong tumingin sa akin. "Wala akong dahilan para magalit. Kaya tumabi ka na diyan at lalabas na ako!" Mataray niyang sabi sa akin.

"Saan ka ba kasi pupunta?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Baka mamaya ay kung saan pa siya magpunta. Hindi ako lalo mapapakali nito.

"Wala kang pakialam kung saan ko gustong pumunta." Mataray pa rin niyang tugon.

"No! Hindi ka aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung saan ka pupunta." Lakas loob na sagot ko sa kanya.

"Bakit ba ang kulit mo? Sabi nang palabasin mo na ako!" Sigaw niya sa akin ngunit hindi ako nagpatinag.

"Kung ayaw mong sabihin ay sasama ako sayo. Hindi ako mapapakali Jade."

"Gusto mo talagang malaman?" Tumawa siya ng pagak. Alam kong napipikon na siya sa akin. "Okay fine! Gusto mong sagutin ko na si PJ di ba? Pwes! Gagawin ko na ngayon Althea at hinding-hindi mo na ako malalapitan kahit kailan!"

Natakot ako sa sinabi niya kaya napayakap ako sa kanya. "Huwag Jade please.. hindi ko kaya. Sabihin mo sa akin kung anong dapat kong gawin. Kahit ano gagawin ko."

"Althea just let me go. Gusto ko nang umalis."

Pilit niyang tinatanggal ang mga braso kong nakayakap sa kanya. "Jade mamatay ako kapag ginawa mo yon. Mahal na mahal kita eh."

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now