One More Day

4.5K 186 19
                                    

Althea's POV

"Love tara na sa room." Naalimpungatan ako sa mahinang tapik ng girlfriend ko. Nakatulog na kasi ako sa upuan kahihintay sa kanya.

"Oh, Bibi! Pack up na kayo?" Uminat-inat ako habang humihikab.

"Hindi pa.. pero pwede na akong umalis." Tumayo na ako at tinulungan siyang magligpit ng mga gamit niya.

"Jade hatid ko na kayo sa Hotel." Biglang sulpot ni Rayver galing sa kung saan. Epal talaga ito sarap upakan.

"Ah.. hindi na Ray. Baka hanapin ka nina direk. No worries! May kasama na naman ako eh." Tanggi niya sa aktor. Tss! Ang yabang kasi nito. Akala niya makakaporma siya sa girlfriend ko.

"Sige na Jade. Gusto ko lang naman na makabalik ka ng safe sa hotel. Alam mo na! Baka may siraulong humarang sa inyo sa daan. Atsaka mamaya pa naman ang take ng eksena ko."

Napahawak ako sa batok. Tumataas kasi ang presyon ko dahil sa lalaking ito. Hindi pa talaga ito nakuntento sa ginagawa nitong pagpapacute kanina kay Jade sa set.

"Huwag mong minamaliit ang pagiging muay thai black belter ko Bro!" Payabang ko ritong sabi habang itinataas ang manggas ng t-shirt na suot ko para ipakita sa kanya ang namumutok ko ring biceps sa braso.

Nang mapatingin ito sa akin ay bigla itong napabunghalit ng tawa. "Palabiro pala itong kaibigan mo Jade." Anito sabay tawa ulit.

"Aba't gusto mong masampulan huh?" Kahit mas malaki ang katawan niya ay hindi ko siya uurungan. Sisiguraduhin ko rin na manghihiram siya ng mukha sa aso.

Busy ang ibang staff habang ang iba naman ay natutulog. Kaya wala silang pakialam sa aming tatlo. Hindi rin naman masyadong sikat itong mokong na ito eh. Kaya hindi siya pinagpipiyestahan ng mga paparazzi sa paligid.

"Althea please stop!" Pabulong na saway ni Jade sa kin upang hindi siya marinig ng binatang aktor. Kaya kahit nanggigigil na ako sa lalaking ito ay sinubukan ko na lang pakalmahin ang sarili ko. "Ray pagpasensyahan mo na itong kaibigan ko." Aniyang umakbay sa akin para hindi na ako makapalag. "Oo palabiro nga ito. Kaya huwag mong seseryosohin ang mga sinasabi nito." Tumango ang mokong na medyo natatawa pa rin sa tuwing mapapadako ang tingin sa akin. "So pano.. mauna na kami sayo?"

"S-sandali.. Ayaw mo ba talagang ihatid ko kayo?"

"Hindi na Ray pero salamat." Wala na itong nagawa nang talikuran na namin ito. Naiwan itong kakamot-kamot sa ulo na tila puzzled ang itsura sa natutunghayan sa pagitan namin ni Jade. Nawewerduhan siguro sa kakaibang sweetness naming dalawa.

"Awts! Bibi nasasakal ako. Pwedeng pakiluwagan ng konti?" Napapaubo na ako pero siyempre drama lang iyon. Hihi.. 😁

"Ang OA mo Althea. Diyan ka na nga." Aniyang tinanggal na ang brasong nakasukbit sa leeg ko.

"Hoy! Sandali lang Bibi.. Ito naman hindi na mabiro." Ngunit inirapan niya lang ako at tinawanan ko naman siya.

Nailipat niya na lahat ng kanyang mga gamit sa hotel room ko. Kaya wala na siyang choice kundi doon dumiretso.

Pagpasok namin sa loob ng room ay agad niyang ibinagsak ang sarili pahiga sa kama. "Hays! Ang sarap matulog. Love matutulog na ako ng ganito. Hindi ko na kayang maghalf bath." Humihikab niyang sabi sa akin.

"Walang problema mahal ko. Sige matulog ka na." Tumabi ako ng higa sa kanya at pagkatapos ay yumakap sa kanya. "Sleep ka na Bibi." Hinalikan ko siya sa gilid ng ulo niya. "I love you so much."

"I love you too.." Nakapikit na niyang tugon sa akin. Maya-maya lang ay bumibigat na ang kanyang paghinga. Senyales na nakatulog na nga siya.




Can't Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon