Jealousy

3.9K 172 24
                                    

Althea's POV

"J-jade?!" Muntikan pa akong matalisod dahil sa pagkagulat. Pero teka bakit parang siya pa yata itong galit? Samantalang siya itong nang-indian at hindi sumipot kanina sa opening nitong restaurant.

"U-uhm.. Althea I think I have to go?" Sabi ng babae sa tabi ko. Ngunit hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay Jade. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.

Hindi ko kailangang maguilty dahil wala naman akong ginagawang masama.

"Ayoko na Althea! Tapos na tayo!" Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay biglang nawalan ng kulay ang buong paligid ko. Nakakapanghina na marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya.

"Ano?!" Hindi makapaniwalang bulalas ko.

"Narinig mo ang sinabi ko. Tapos na tayo.. as in break na!"

Hindi pa nakakaalis si Jessy kaya alam kong narinig din nito ang sinabi ni Jade. Maging sina Wila at Sally ay hindi rin makapaniwala habang nakatingin sa amin.

"Hindi ako makakapayag! Halika mag-usap muna tayo." Hinila ko siya papasok sa loob ng opisina.

"Ano ba Althea!! Bitiwan mo nga ako!!" Pilit niyang pagpupumiglas ngunit sinadya kong higpitan ang pagkakahawak ko sa kanya upang hindi siya makawala sa akin.

Saka ko lang siya binitiwan nang nasa loob na kami at pabagsak kong isinara ang pinto sabay lock. "Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi ka makikipaghiwalay sa akin!"

"Ayoko na sayo Althea!! Ayoko na!! Ilang beses ko pa bang uulitin sayo iyan?" Gigil na gigil niyang sigaw sa pagmumukha ko. Shit! Ang sakit na para bang nanaisin ko na lang na mawala sa mundo kaysa makipaghiwalay siya ng tuluyan sa akin.

"Pero bakit?" Bugso ng damdamin ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. "Akala ko ba mahal mo ako?"

Sa halip ay bigla siyang nag-iwas ng tingin sa akin at ilang ulit na napabuntong hininga. "Hayaan mo muna akong makapag-isip Althea. Gulong-gulo ang puso at isipan ko."

"Bibi please mahal na mahal kita." Sinubukan ko siyang hawakan ngunit iniiwas niya ang kanyang sarili sa akin na para bang diring-diri na para akong may nakakahawang sakit.

"I'm sorry Althea pero hindi ko na babawiin ang sinabi ko." Aniyang napahikbi na rin ng tuluyan. "Ayoko na! Ayoko nang mahalin ka..."

Hindi na iyon kinaya ng puso ko. Kaya napahagulhol na ako ng iyak sa harap niya. Maging siya ay napahagulhol na rin ng pag-iyak. Tuloy ay para na kaming mga siraulong nag-iiyakang dalawa.

"Papayag lang ako kung sasabihin mo sa akin na hindi mo na ako mahal." Hirap na hirap na bigkas ko dahil sa sobrang pag-iyak.

Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na siya sa pag-iyak. Suminghot-singhot siya habang nagpapahid ng kanyang mga luha. "Hindi na mahalaga kung mahal pa kita o hindi na!" Pagkatapos ay tinapunan na naman niya ako ng masamang tingin.

Subalit hindi ako nagpasindak sa kanya. Katulad niya ay tumigil na rin ako sa pag-atungal ng iyak. Good thing na merong tissue sa ibabaw ng table ko. Ipinampunas ko sa mga luha ko at siningahan ko rin ng sipon ko. Bwisit kasi na buhay ito! Akala ko sobrang perfect na ng buhay ko simula nang mahalin rin ako ng babaeng ito. Pero iiwan niya lang rin pala ako. Haay! Gusto ko nang mamatay.

Pero teka, ano nga bang ikinagagalit niya? Kahapon naman ay okay na okay pa kami. Hindi kaya--- si Jessy? Oh god! Bakit ngayon ko lang naisip? Pinagmasdan ko muna siyang mabuti.

"Dahil ba ito kay Jessy? Nagseselos ka sa kanya dahil nahuli mo kaming magkasama?" Wala nang paligoy-ligoy kong tanong sa kanya.

Waring gusto kong mapangiti nang hindi siya makasagot sa tanong ko. Sa halip ay nag-iwas na naman siya ng tingin sa akin. Siguro nga ay nagseselos lang siya. Pero bakit pakikipaghiwalay agad ang pumasok sa kukote niya? Nasisiraan na ba siya ng ulo? Ugh! Alam niyang mahal na mahal ko siya. "Bibi alam mo kung gaano kita kamahal di ba? Simula noon hanggang ngayon ikaw lang ang nilalaman nitong puso ko."

Can't Get Over Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें