Chapter 244

687K 23.3K 20.9K
                                    

A/N: Tinatamad talaga ako kapg mga Flashback. Hahahaha lalo na kapg hindi si Jay-jay.

Aries's POV

Cousins for reason

*ContinuationOfFlashback...*

May naririnig ako. Paulit-ulit na beep sound, tapos may kasunod na tunog ng hangin. Unti-unti kong dinilat ang mata ko pero ang labo ng nakikita ko. Sobrang labo!

"He's awake." Dinig kong sabi ng isang babae.

Sinubukan kong igalaw ang tingin ko sa ibang direksyon. Malabo pero may nakikita akong gumagalaw at meron ding liwanag.

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para magsalita pero tuyot ang lalamunan ko. Hindi ako makagalaw ng maayos at kumikirot din ang buong dibdib ko.

"Check the vitals." Sabi ng isang boses lalaki.

Hindi nagtagal, kusa ding nag-adjust ang paningin ko. Naiintindihan ko na. Buhay pa ko at nasa ospital ako. Hindi nagtagal bumalik din sakin ang mga nangyari. Kung bakit ako nasa ospital at kung bakit nahihirapan ako.

Binalak ako'ng patayin ni Jay!

















"Successful ang operation, patient is clearly showing a good sign." Sabi ng doctor kay Kuya Angelo.

Hinawakan ko ang parte ng ribs ko—kung saan tumama ang panaksak nya. Parang bangungot yon. Halo-halo ang nararamdaman ko.

"May problema ba Aries?" Tanong ni Mama.

Umiling ako. "When can I go home?"

"A week or two from now. Dipende kung makakatayo ka na agad." Sagot ng doctor.

Gusto ko ng lumabas. Kakaiba ang pakiramdam ko sa lugar na to. Ayoko'ng nagtatagal sa ospital. Napatingin kaming lahat sa pinto ng may marinig kaming kumatok. Kusang bumukas yon at pumasok sila Percy, Yuri at Keifer.

Meron silang dalang cake, ice cream at lobo. Nagpaalam na yung doctor at lumabas. Sumunod naman si Kuya sa kanya.

"Hello Tita!" Buong galak na bati ni Percy kay Mama.

"Hello din. Salamat sa pagpunta." Sagot ni Mama sa kanya.

"Pasensya na Tita kung eto lang nadala namin. Hindi kasi namin alam ang mga dapat dalin." Sabi ni Yuri habang binaba ang cake sa lamesa malapit samin.

"Okay lang, mukang kayo lang naman ang kakain nyan. Bawal pa kasing kumain si Aries." Paliwanag ni Mama at lahat naman sila tumingin sakin.

"Kawawa ka naman Pre... ako nalang ang kakain ng para sayo." Nakangiting sabi ni Percy. "...kamusta ba ang bagong tule?"

Agad syang nakatikim ng batok galing kay Keifer. Napansin siguro nya na ang hindi pagbabago ng ekpresyon ko. Hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko kaya!

"Ayos ka lang?" Tanong ni Yuri sakin.

Dahan-dahan akong nag-nod. "I-i just woke up." From a nightmare.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon