Chapter 245

724K 25.7K 28.9K
                                    

A/N: Meron akong page. Gawa ng Admin ng Group.

Lara Flores - eatmore2behappy

Hahahaha ang taray! Feeling ko artista ko—charot!

Medyo maikli ang chapter na to. Pinilit ko lang kasing tapusin but again, thanks to my Astigmatism na ang hilig makisabay. Once na okay na ko talaga—pak na pak ang update nito.

Aries's POV

Say goodbye

*ContinuationOfFlashback...*

Jay-jay....b-bakit?

"Aries!"

Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Malabo, nahihilo ako. Wala akong maramdaman na kahit ano at parang hindi ako makagalaw.

"Wake up! Aries!" Galit na sigaw ng kung sino.

Dalawa lang ang kilala kong nag-e-english kapag galit. Si Keifer o kaya si Percy. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero ayaw nila makisama. Hangang sa napatingin ako sa harapan ng kotse.

B-bakit parang—?!

Nasan ako?! Hindi! Nasan sila Keifer, Yuri at Percy! Tinignan ko sila mula sa likod pero si Percy nalang ang nakita ko. Duguan at nanginginig sa takot.

Anung nangyari?

Kumikirot ang buong katawan ko. Basag-basag ang mga salamin ng kotse. Walang pinto sa likod at lahat nalang wala sa ayos.

"P-percy." Tawag ko sa kanya.

"Aries... K-kaya mo bang gumalaw?" Tanong nya na sinubukan kong gawin.

Nanginginig ang kamay ko at parang ayaw sumunod sakin. Sinubukan kong alisin ang seatbelt pero ng bitiwan ko yun bigla nalang gumalaw ang kotse.

"A-ano yon?"

Malalim ang paghinga ni Percy. "N-nasa gilid tayo ng bangin."

Bangin?

Sinilip ko ang labas ng bintana sa tabi ko. Ang harap ng kotse hangang sa unang gulong ay naka-ere sa bangin. Pwedeng malaglag ang kotse anytime.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Naba-blangko ako. Dito na ba ko mamatay? Kaligtas nga ako sa ginawa ni Jay pero dito naman ako matutuluyan.

"A-anung gagawin natin Percy?" Tanong ko sa kanya.

Nakatingin sya sakin at parang nagsasabi na wala na kaming pag-asa.

"Buksan mo yung pinto sa tabi mo." Utos nya sakin.

Ginawa ko ang sinabi nya at laking gulat ko ng matanggal yon mula sa pagkaka-kabit sa kotse. Naging dahilan din yon para umuga pa lalo ang sasakyan. Napahawak ako ng mahigpit sa manibela at bangkuan.

Huminto sa pag-galaw ang kotse. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko magagawa ang dapat kong gawin kung natataranta ako.

"P-percy." Tawag ko sa kanya para sana itanong ang sunod kong gagawin pero natigilan ako ng makitang nakangiti sya sakin.

"Y-you...have to jump...out." Sabi nya na may basag na boses.

"W-what?" Tinignan ko ang kabuuan nya.

Hindi sya gumagalaw at wala din nabago sa pwesto nya mula ng magising ako. Doon ko lang na-realize ang gusto nyang mangyari.

G-gusto ba nyang—hindi!

"N-no! No! No! I can't! I'm not leaving you here! No!" Sabi ko habang umaagos ang mga luha ko.

Hindi pwede. Hindi ko sya pwedeng iwan nalang dito.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon