Chapter 1

12.5K 182 11
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Pangloloko? Kasinungalingan? Pagpapanggap? Ano pa ang kaya mong ibigay sa akin? Kinuha mo na ang lahat. Ang aking kalayaan, ang aking katawan at ang aking kaluluwa...kinuha mo na Salvador. Ano pa ba ang kulang para maging totoo ka sa akin?"

Umiyak ang babaeng may hawak hawak ng kutsilyo.

"Minahal kita ng totoo Loreta"

"KASINUNGALINGAN. Paano mo nasasabing minahal mo ako gayong may mahal ka nang iba? Paano mo nasisikmura ang harap harapang magsinungaling sa akin kung totoong mahal mo nga ako?"

"Hindi ko intensiyong magsinungaling. Totoo nagkasala ako, hindi ko sinabi na may mahal na akong iba...na may b-ba-babaeng nagpapatibok ng puso ko..pero hindi kasinungalingan ang nararamdaman ko sayo. Totoo ang lahat ng aking tinuran ng makilala kita Loreta"

Tumulo ang luha ng babaeng napaupo sa damuhang gawa sa plastik. Tiningnan ang mga taong nanunuod sa paligid habang siya ay umiiyak.

Ibinalik ng babae ang kaniyang paningin kay Salvador na nakaluhod at hindi alam ang gagawin. Pilit kinukuha ang kutilsyong kaniyang hawak hawak.

Iniikot ng babae ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng manunuod ng mahagip nito ang lalaking nakatayo sa likuran ng ilang nakaupo. Kita ang pagbabago ng kaniyang ekspresiyon at tumingin sa lalaking kaniyang ka eksena.

"Ipinangako mo rin ba ang mga buwan at bituin sa kaniya? Ipinangako mo rin bang siya lang ang tanging mamahalin mo hanggang sa malagutan ka ng hininga? Na mabubuhay kayo ng masaya katulad ng mga pangako mo sa akin Antho.. -Salvador?"

Itinakip ng babae ang buhok sa kaniyang mukha na napaluhod sa harapan ng mga manunuod.

"Loreta"

"Huwag ka nang magsalita. Naiintindihan ko naman na wala akong karapatan na ariin ang isang katulad mo Salvador. Walang lugar sa ating lipunan ang pagmamahalan natin. ...."

".....isang hamak na tagasunod lamang ako na nagkataong nagmahal sa isang maharlikang katulad mo...alam ko naman na kasawian lamang ang magiging kapalit ng pag ibig ko.." patuloy ng babae

"Tumigil ka na Lore-"

"Minahal kita....at iyon ang isang bagay na pinagsisisihan ko hanggang ngayon" sambit ng babaeng itinaas ang kusilyo at itinarak sa sarili.

"Loretaaaaaaaaaaaaaaaaa" sigaw ni Salvador na hawak hawak ang duguang katawan ni Loreta.

Palakpakan.

Nagsitayuan ang ilang manonood dahil sa galing na ipinakita ng mga estudyanteng gumaganap sa school play.

Lumabas sa stage ang buong cast ng drama maliban sa babaeng gumanap na Loreta. Agad itong pumasok sa dressing room ng biglang umalis ang lalaking nanunuod kanina.

"Shit Art...galing mo dun ah.." ani Ice na gumanap na Salvador. Hindi ito pinansin ni Arthur habang tinatanggal ang wig na kaniyang ginamit.

"Hindi ko na to gagawin muli..badtrip kayo eh"

Napilitan siyang gumanap na Loreta at magpanggap na bababe dahil hindi dumating ang member ng club na dapat sana ay gaganap dito.

"Ba't nagpakamatay ka agad? Kiss na sana kita...mukha ka namang babae kaya okay lang.." anitong umakbay kay Arthur.

"Gago...sikmuraan kita diyan eh."

Nagtawanan sila na parang wala lang. Pero ang kalunkutan sa mukha ni Arthur at hindi niya kayang itago kahit siya ay tumatawa.

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora