Chapter 17

2.9K 86 3
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Anthony's POV

"Saan mo ba gustong mag date?" tanong ni Niel kay Arthur na nasa kaniyang harapan. 

Ipinagpatuloy lang niya ang kaniyang ginagawa. Pinulot ang nabasag na paso. 

"Dito na lang tayo sa loob.. malaki ang kuwarto ko para makapag date tayo. At alam mo na..magawa ang gusto natin" 

Napakuyom ng kamao si Anthony. Hindi niya maipaliwanang ang kaniyang nararamdaman. Gusto niyang manuntok ng mukha. Gusto niyang mangbasag ng kahit ano. 

"Kontrolin mo ang sarili mo. Ayokong matulad ka sa akin na ginawa ang lahat para sa taong mahal ko pero sa huli ay nakasira pa pala" 

Napatingin siya kay Syria. Ang babaeng nirireto ng kaniyang Lola Pasing. 

"Kung may nararamdamabn ka man sa kaniya, sabihin mo ng maayos. Nagkamali ako ng gawin ko ito sa paraan na gusto ko, pero ang ending.. nasaktan ko pa ang taong mahal ko. Kaya gawin mo yung tama Anthony" 

Napatango na lang siya. Siguro nga totoo ang sinabi ni Syria. Masyado niyang pinagtakpan ang kaniyang nararamdaman. Na siya rin ang dahilan kung bakit nasasaktan siya ng ganito. 

Niyakap niya si Syria. Nagpasalamat na dumating ito ngayon kahit dapat ay siya ang magbibigay dito ng advice. 

"Salamat Sy" aniya na ikinaluha nito. 

"Bakit?" tanong niya 

"Wala. Namiss ko lang bigla si Leigh. Ang tagal ko nang hindi nakikita best friend ko!" 

Hinaplos niya ang likod ng babae. Hinayaan itong nakayakap sa kaniyang balikat habang umiiyak. Napatingala siya sa langit. Pinagmasdan ang mahinang paggalaw ng mga puting ulap na tumatabing sa araw. 

"Kitain mo na siya Syria. Magtapat ka ng pag ibig mo kay Leigh. Dahil katulad ng ulap na tinatangay ng hangin, saan man ito magpunta, lalapit at lalapit parin ito sa araw. Parang ikaw, saan ka man magtago, saan ka man magkubli... hinding hindi mo magagawang lumayo kay Leigh. Dahil si leigh ang araw mo Sy." 

Napapikit si Anthony upang pigilan ang kaniyang luha. Hindi niya inaasahan na sasabihin ang mga bagay na iyon. Dahil higit kanino man, mas siya ang tinamaan sa kaniyang sinabi. Katulad ng ulap.. hindi rin siya makatakas sa araw na tumatanglaw sa kaniya. 

Inaya niya si Syria na maupo sa kahoy na upuan sa garden. Gustuhin man niyang sundan sila Niel at Arthur sa itaas ay hindi niya magawa. Walang rason para makisali siya sa dalawa. 

Nagkuwento ang babae. Kaya pala hindi niya nakikitang magkasama ang dalawa ngayong nakaraang mga araw. Sadyang iniiwasan ni Syria si Leigh dahil sa mga kagagawan nito. 

"Nag hire ako ng mga lalaking bubugbog kay Rhydwyn Anthony. Pero si Leigh ang nasa ospital. Siya na ang muntikang mamatay dahil sa mga kagagawan ko" 

"Shhh.. tapos na yun. Huwag mo nang alalahanin" aniya. Hinayaan niyang umiyak ang babae. Tanging ngiti lang ang kaya niyabng ibigay dito. 

Marami pa itong naikuwento. Mga bagay na kung siya lang ang ginawan nito noon ay baka naitakwil na niya ito bilang kaibigan. 

"Paano pa ako makakabawi kay Anthony? Paano pa ngayong ilang panahon na lang ay maipapasa na ang batas na pinagtulungan kong maipasa? PAANO!" 

Humagulgol na ng iyak si Syria. Nais man niya itong pigilan ay hindi rin niya alam ang gagawin. 

Hinawakan niya ang mukha nito. Pinunasan ng panyo ang mga matang puno ng luha at hinalikan ito sa labi. Halik upang iparating na hindi ito nag iisa. Na hindi kasalanan ang gawin ang isang bagay kung para sa taong minamahal. 

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon