Chapter 5

4.6K 114 4
                                    

Author's Note" Sorry sa super tagal na update :D

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Panaginip lang ba ang lahat? Kung panaginip man ito ay huwag na muna sana akong magising!

Iyon ang mga salitang nakatatak sa utak ni Arthur habang pilit na iginagala ang tingin sa madilim na paligid. Naririnig niya ang ilang iyakan ng mga bata sa baba dahil sa biglaang brown out ngunit wala siyang pakialam sa mga ito. Hinigpitan niya ang hawak sa tuwalyang nakatakip sa katawan ng lalaking lumabas ng banyo.

Hindi niya ito kilala. Wala siyang ibang kilalang maaaring lumabas sa banyo niya maliban sa imahinasyon niyang lalabas doon ang gwapong porn star na si Cyrus.

Nakipaghilahan ng tuwalya si Arthur ng biglang hilahin ng lalaki ang tuwalyang kaniyang hawak hawak. Kaninang namatay ang ilaw ang agad niyang naabot ang dulo ng tuwalya nito kaya gagawin niya ang lahat para hindi ito makatakas.

"Ikaw ba yan Cyrus?. Teka, huwag ka munang umalis..g-gusto lang kitang makausap" ani Arthur

Walang naging sagot ang lalaki ngunit nabitawan niya ang pagkakahawak sa tuwalya nito ng bigla nitong hilahin ang tela ng ubod ng lakas. Gumawa pa ng tunog ang pagbagsak niya sa sahig na gumawa ng mahinang pag igik.

"Sorry" ani ng lalaki.

"B-bat ka ba kasi umaalis? Imagination kita kaya dapat lang na kausapin mo ako"

Napaupo si Arthur sa sahig habang kinakapa ang dulo ng tuwalyang kaniyang nabitawan. Hindi pa rin sumasagot ang lalaki kaya sinubukan niyang gumapang sa dilim.

Nahawakan niya ang dulo ng basang tuwalya sa sahig at isang pares ng tsinelas. Dumukwang siya sa inaakalang lalaking nasa harapan ng biglang bumukas ang ilaw.

"Ano ba ang ginagawa mo diyan Arturo ?-Nanunuod ka na naman ng kabastusan?" sigaw ni Lola Pasing ng mapansin ang laptop niyang nakabukas sa kama.

Hindi agad siya nakagalaw sa kaniyang pagkakadapa sa sahig. Hawak hawak na niya ang tuwalya sa sahig ngunit walang Cyrus o lalaking nakatayo roon. Tanging ang kaniyang lola lamang na nakapasok na sa loob ng kaniyang kuwarto ang nasa loob.

"E-eh.."

"Anong eh? Hindi ka na talaga natuto.. mag aral ka na nga. Puro lalaki ang nasa utak mo..."

Kinuha ng matanda ang kaniyang laptop at agad lumabas ng pintuan. Huli na para makapag react pa si Arthur sa ginawa nito. Kinuha niya ang tuwalya at inilapag ito sa kama.

Agad siyang sumunod sa labas upang bawiin ang kaniyang laptop.

"La naman eh." ani Arthur

"Tumigil ka! Wala ka nang ginawa kung hindi ito.."

"Buti nga nanunuod lang at hindi nagpapakagaga sa mga lalaki sa labas"

Tumigil ang kaniyang Lola Pasing sa paglalakad. Tumingin sa kaniya ng masama.

"May makakasama ka sa kuwarto mo kaya hindi na puwede ang ganito. Kung gusto mo tong makuha...para sa studies lang at hindi kung saang mga kabastusan"

Nangunot ang noo ni Arthur. Mahigit isang dekada na siyang nagiisa sa kuwarto at hindi niya kayang makishare sa iba. Iyon na lang ang natitirang bagay kung saan puwede siyang maging siya ng walang nanghuhusga.

Sapilitan niyang kinuha ang laptop ngunit hindi ito ibinigay ng kaniyang lola. Nagpatuloy lang ito sa pagbaba sa hagdanan. Dumiretso sa kusina na tanging kandila lang ang ilaw.

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now