Chapter 18

3K 87 2
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Anthony's POV 

"Truth" aniya 

"May nangyari na ba sainyo ni Arthur? Anong relasyon meron kayo?" tanong ni Niel na hindi niya agad nasagot. 

Seryoso itong nakatingin sa kaniya habang tumutungga. Parang kakain ng tao ang itsura nitong madilim ang ekspresiyon. 

"Ano bang klaseng tanong yan 'tol? Pinsan ko yun ka-" 

"Kita ko kung paano mo siya titigan Tonying. Alam ko dahil mahal ko si Arthur. Alam ko kung kailan may gustong magnakaw ng pag aari ko" anitong ibinagsak ang bote sa sahig dahilan upang matapon ito. 

"Hindi ko alam pinagsasabi mo gago.." sambit niya 

"Huwag mo nang bilugin ang ulo ko." 

Napahiga siya sa sahig ng dambahin siya nito. Dahil sa hilo ay hindi na rin niya nagawang umiwas ng suntukan ni Niel ang kaniyang mukha. 

"Ang baboy mo Tonying. Pati ba naman pinsan mo tataluhin mo? Puta!" 

"ANO BANG PROBLEMA MO NIEL! ANAK NG PUTA" sigaw na rin niyang sinuntok ito. Pareho na silang lasing kaya sa malamang ay alak lang ang dahilan ng galit nito. 

"Ahhhh.. AHHHHH!" 

Hinayaan niyang suntukin ni Niel ang sementadong sahig. Hinayaang mailabas nito ang anumang nararamdaman sa loob. Mas mabuti iyon, mas madali niyang maipapaabot ang galit kung sahig ang kaniyang pagdidiskitahan. 

Alam ni Anthony na hindi niya kailanman magagawang aminin sa kaibigan ang nangyari sa kanila ni Arthur. Dahil kaibigan niya ito. At hinding hindi niya magagawang saktan ang kaibigan. 

"Mag kape ka nga sa baba para mawala ang kalasingan mo" sambit niya na tumayo. Inalalayan ang pasuray suray na si Niel na lumakad papunta sa baba. 

"Hindi ka naman kasi sanay uminom totoma toma ka" galit niyang sambit ng makitang lumaklak ulit ang lalaki sa hawak hawak nitong bote. 

Hindi pa man sila nakakalabas ng kuwarto ay natumba na sila sa sahig ng mapatid ito ng sapatos ni Arthur. 

"Putang-" 

Plakda si Niel sa sahig. Nakapikit na itong humihilik. Tila walang pakialam kung nakataas man ang damit nito habang hinahayaan siyang pagmasdan ang nakabuyangyang nitong katawan. 

"Tang ina naman 'tol. Duon ka na lang dapat sa kama dumiretso" sambit niya. 

Hinila niya ang katawan nito papunta sa kama. Pinagmasdan ang mukha nitong nakapikit man ay makikita parin ang kalungkutan na naroroon. 

Inayos niya ang pagkakahiga nito sa kutson na ginagamit niya sa sahig. Dito na lang niya ito papahigain dahil nasa kama na si Arthur. 

"Sorry Niel...pero hindi ko magagawang magpaubaya" aniya na tumalikod. 

Sinalansan ni Anthony ang mga bote ng alak na kanilang nainom. Madami dami rin ito. Naka dalawamput isa din pala sila ng Red horse. No wonder kung bakit lasing na lasing ang dalawa. 

Binitbit niya ang mga bote sa labas at itinambak ito sa kusina. Naglinis ng mga kalat bago muling bumalik sa loob ng kuwarto. 

Alas dos pa lang ng hapon kaya muli siyang umupo sa sahig at uminom ng alak. Ininom ang natitirang apat na bote. Nagpakalango sa inumin habang pinagmamasdan ang dalawang lalaki sa kaniyang harapan. 

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon