Chapter 13

3.9K 153 8
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Napaubo si Arthur. Ramdam na niya ang tuluyang pagbigat ng kaniyang katawan dahil sa dami ng tubig na kaniyang nainom. Patuloy pa rin siya sa paglubog at hindi niya magawang makakampay. 

"A-anthony" 

Ilang minuto pa ang lumipas bago niya naramdaman ang paghawak ng isang kamay sa kaniyang braso. Pilit siyang hinihigit ngunit hindi na niya makayang gumalaw. Napakabigat na ng kaniyang pakiramdam. 

Niyakap si Arthur ng brasong humila sa kaniya. Inilagay sa balikat ang kaniyang ulo. 

"S-sino-" 

"Mabubuhay ka Arthur" 

"Anthony" sambit niya. Mabula ang bawat salitang kaniyang naririnig pero kilala niya ang boses nito. Binalikan siya ni Anthony. Hindi siya nito iniwan! 

"I love you ART. I love you with everything I have" iyon ang mga huling salitang narinig niya mula rito bago siya nawalan ng malay. 

***** 

"Hahalikan kita kapag hindi ka pa bumangon" 

Napangiti si Arthur sa kaniyang pagkakahiga. Rinig niya ang nangungulit na boses ni Anthony pero hindi siya bumangon. Gusto niyang malaman kung totohanin nito ang bantang hahalikan siya. 

"Iiwan kita kapag hindi ka pa bumangon" anito na niyugyog si Arthur.  

Hindi pa rin siya gumagalaw. Pinipigilan ang hagikgik na kanina pa niya nirerendahan. 

"Bahala ka na nga. Mauna na ako" ani Anthony na binuksan ang pinto. Agad namang bumangon si Arthur upang pigilan ito ng makitang nakatayo lamang pala ito sa pintuan at hindi lumabas. 

"K-kala ko lumabas ka" gulat niyang sambit ng makita si Anthony na nakasandal sa pintuan. 

"Bakit hindi ka tumayo kahit gising ka na?" tanong nito na kinuha ang kaniyang maliit na bag sa lamesa. 

"K-kasi.." 

"Anong kasi?" 

"Kiss..k-i-iss" ani Arthur na halos pabulong. Nakayuko sa  pagkakaupo sa kama at dahan dahan nag aayos ng hinigaan. 

"Ano?" tanong ni ANthony 

"Wala!" Agad siyang bumangon at nag inat. Hindi na kailangan pang malaman ni Anthony na halik lang naman nito ang kaniyang hinihintay. 

Lumakad siya papunta sa pintuan upang makaligo na ng yakapin siya nito sa likuran. Inamoy ang kaniyang leeg at kinagat ang konting balat duon. 

"Mauna ka n-hmmp" Hindi na natapos ni Arthur ang kaniyang sasabihin ng halikan siya nito sa labi. Mabilis lamang iyon pero parang biglang dumagundong ang loob ng kaniyang dibdib. 

"Morning babe. Sige una na ako" paalam nito. Binuksan at isinara na ang pinto ngunit hind pa rin magawang gumalaw ni Arthur. 

Tatlong araw na ang lumilipas simula ng gawin nila ni Anthony ang bagay na iyon na patuloy nilang ginagawa gabi gabi. Pero kahit kailan ay never siya nitong tinawag na babe o hihintay na gumising. Kung hindi ito nauunang pumasok ay gabi na kung magkita silang muli. Parang sadyang nagiiwasan upang walang paliwanagang mangyari. Sapat na may understanding sila kung ano at bakit sila gumagawa ng ganoon. 

"Babe? Hmmmmpp..like the sound of it"  aniya sa sarili bago lumabas ng kuwarto. Sumisipol sipol siyang bumaba ng hagdanan. Binati ang kaniyang ibang pinsan at ang ina ni Anthony. 

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now