Chapter 16

3.2K 99 9
                                    

Author's Note: ANg bagal ng net ngayon. Bakit kaya? Hirap tuloy mag upload.

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Arthur's POV

"Ganito po ba talaga magmahal? Laging may restriction? Laging hindi alam ang gagawin lalo na kung may something na hindi mo masabi sa mahal mo?" tanong nito sa kaniyang Lola Pasing. 

Rinig na ring ni Arthur ang paguusap ng dalawa sa kusina. Papasok na sana siya sa loob ng bahay ng makita si Anthony at ang kanyang Lola na naguusap. Hindi na siya nagawa pang hintayin ng ng binata after ng school kanina. Nawala itong parang bula kaya gusto niya sanang magtanong. 

"Kailangan mong maging mas open sa nararamdaman mo apo. Kung mahal mo nga siya, bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang lihim mo?" sambit ng matanda na pinakinggan niya. 

"Hindi ko po kaya. Ngayon pa lang ay ayaw na niya sa akin, paano pa kapag nalaman niya kung sino ako?" ani Anthony 

Hindi mapigilang mag isip ni Arthur kung sino ang tunutukoy nito. Wala siyang alam sa love life nito ngunit wala naman siyang kilala na malapit dito maliban sa babeng naka sex nito sa likuran ng building dati. At balitang balita sa campus na hiwalay na ang mga ito dahil may nakuhang mas malaking papa ang malantod na babae. 

"Ganun ba kabigat ang sikreto mo?" tanong muli ng matanda 

"Hindi ko alam kung gaano siya kabigat Lola, pero ngayon pa lang ay ramdam ko na ang sakit dahil parang hindi niya ako tanggap" 

"Sino ba ang tinutukoy mo?" 

Napatumba si Arthur sa kaniyang kinatatayuan ng mapatingin sa kaniya si Anthony. Hindi niya inaasahan na makikita siya nito kaya nawalan siya ng balanse. Napasadsad siya sa sahig at tuluyang napahiga doon. 

"A-arthur!" sambit ng kaniyang Lola Pasing na napatayo. Kunot noo itong nakatingin sa kaniya na nagsasabing hindi dapat niya ginagawa ang making sa usapan ng may usapan. 

“E-h eh..” 

Biglang tumayo sa pagkakaupo si Anthony. Kinuha ang bag at humalik sa pisngi ng kaniyang Lola. 

"Mauna na po ako. Magpapalit lang ako ng damit para sa trabaho mamaya" anito 

"Huwag mong pagurin masyado ang sarili mo Anthony. Huwag kang mag alala, papakilala kita sa anak ng amiga kong maganda. Para naman may inpirasyon ka sa pag aaral” nakangiti nitong sambit na hinawakan ang pisngi ng lalaki. 

“Sige po” 

Napayuko na lamang si Arthur. Parang napaaray siya sa sinabi ng kaniyang Lola. Hindi niya naiwasan ang mag make face habang tinititigan si Anthony na paakyat sa hagdanan. 

"Ano na naman 'La pinagpipilitan mo dun sa tao?" aniya na nagmano. 

Ayawa niyang maniwalang wala lang dito ang mga nangyari sa kanila.  Kaya para siyang naiinis na nais nitong maghanap agad ng babae. Hindi man lang sa kaniya sinabi na may problema ito. Anu pa at naging sila ng lihim? 

"Matinong lalaki ang pinsan mo Arturo. Mabuti pa yun babae ang hanap, eh ikaw? puro lalaki.." 

"Eto na naman tayo" 

"Nakakalungkot lang isipin na may mahal na pala siyang talaga. Pero hindi niya magawang umamin dahil baka hindi siya tanggapin" ani Lola Pasing. 

Napahawak na lang sa kaniyang dibdib si Arthur. Parang ginigisa ng  mainit na mantika ang kaniyang puso sa hapdi. 

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now