Chapter 2

6.9K 137 4
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****


 

Iniangat ni Arthur ang kaniyang mukha sa pagkakalublob sa malaking balde ng tubig. Para siyang nalulunod sa pagkakalubog dito.

"Sarap talaga maligo...." aniya sa sarili habang nagsasabon ng katawan. Mainit ang umaga kaya naman masarap magbabad sa tubig lalo na at summer pa rin ngayon.

"Ano ba Arthur! First day mo ngayon sa klase pero magpapalate ka agad?" ani Lola Pasing.

"Ehhh 'la naman..nakahubad ako oh..pasara naman ng pinto"

"Naku! batang ito..dati rati lang ako pa naghuhugas ng puwet mo.Lumaki ka lang nang kaunti bawal na agad ako?"

Agad nagtakip si Arthur ng tuwalya. Napatawa na lang ang matanda dahil teenager na nga ang kaniyang apo.

"Pahawak nga ng puwet mo apo...ang umbok na ha. May nililigawan ka na ba?"

"Lola naman ehhhh."

"Uhhmmmm. Ang gwapo gwapo mo talaga Arturo. Tiyak na maraming babae ang iiyak dahil sayo"

Napaupo na lang si Arthur sa ibabaw ng toilet bowl. Itinaas ang tabo ng tubig at dahan dahan pinaagos ang tubig sa kaniyang ulo.

"Brrrrrrr....brrrrrr"

Kanina pa nakalabas si Lola Pasing pero hindi pa rin matapos tapos sa paliligo si Arthur.

"Madaming babaeng iiyak dahil sa akin? Kelan pa kaya?" natatawa nitong tanong sa sarili.

Siya si Arthur Solinap este si Arthur St. Benedict. First year sa papasukan pa lang na St. Benedict School of Arts. Nag iisang anak ng kaniyang namayapang mga magulang kaya si Lola Pasing na ang nagpalaki sa kaniya.

Tumayo si Arthur sa harap ng salamin at umiyak.

"Bakit? Bakit mo nagawang kunin sa akin ang pinakaiingat ingatan ko? Hindi pa ba sapat na pinapaligaya kita kahit sumasakit ang aking panga? Bakit kailangan mong kunin pati ang virginity ko?" anito

"Mahal kita kaya nagawa ko yun...tsaka ikaw lang din naman ang una ko eh" sagot ni Arthur sa kaniyang sarili.

Para siyang baliw na nagmomonologue sa harapan ng salamin. Hinawakan ni Arthur ang bahagi ng salamin kung nasaan ang kaniyang mukha.

"Papanagutan mo ba ako? Paano kung mabuntis ako?"

"Gaga. Wala kang matris. May puwet ka lang teh okay?"

Napatalon si Arthur sa gulat ng biglang bumukas muli ang pinto at sumilip ang kaniyang Lola. Nakasimangot itong nakatingin sa kaniyang kahubaran.

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now