Chapter 3

5.5K 126 2
                                    

Author's Note: Pa support din po ito guys. Pa vote at comment :D

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Ano ba tong nagawa ko?" tanong ni Arthur sa kaniyang sarili.

Nakatayo siya sa harapan ng buong klase. Nakatitig sa lahat ng mga estudyanteng naghihintay ng kaniyang sasabihin.

"Mr St. Benedict please introduce yourself" sambit ng Professor na humawak pa sa dulo ng kaniyang salamin.

"A-ah.. eh..."

"Anak ka raw ni Mr. St. Benedict? Coooool" bati ng isang babaeng nakatungo sa kaniyang harapan.

Napailing na lang si Arthur. Hindi niya inaasahan na magiging ganito kalawak ang aabutin ng kaniyang pagsisinungaling.

Wala lang talaga siyang maisip kanina habang nakikipag usap sa lalaking tinawag siyang bakla. Lagi naman siyang gumagawa ng kung ano anong kuwento pero parang napaka bigat ng nasabi niya kanina.

"Ako si Arthur St. Benedict..Art na lang for short..." pagpapakilala niya rito na sinagot lang ng Ahhhh ng kaniyang mga kaklase.

"I'm 16 years old and single" Dagdag niya na ngumiti pa sa iba.

"Anak ka nga talaga ni Mr. St. Benedict.. imagine St. Benedict School of Arts... tapos ikaw Art St. Benedict. Nice sana may tatay din akong mayaman.." sambit ng isang babaeng nakatingin kay Arthur. Para itong babaeng naka drugs sa pagkakatitig sa kaniya gamit ang malalaking mata.

"Actually hindi naman to-"

"Wanna be my boyfriend? We can hook up and you know. Do the you know" sabat ng isang babaeng puno ng kung ano anong tattoo ang katawan. Kumindat ito kay Arthur na halos magpasuka sa kaniyang sikmura.

"Magpapaka tomboy ako? Lalaki ang hanap ko teh.." bulong ni Arthur sa kaniyang sarili.

"You may take your seat Mr. St. Benedict" pigil ng professor sa mga estudyanteng nagtatawanan.

Agad siyang umupo sa pinakadulo ng room. Hindi niya masabi sabi na gawa gawa niya lang ang lahat. Kasalan naman kasi ito ng lalaking kung hindi pa niya sinabihan na siya ang anak ng principal ay patuloy lang siyang babastusin.

Nakatulog na si Arthur dahil sa haba ng oras. Wala namang pakialam ang professor at ibang estudyante sa kaniya kaya ipinagpatuloy lang niya ang kaniyang pagtulog.

Nagising si Arthur sa tunog ng bell. Napatingin siya sa kaniyang mga kaklase. Bigla siyang napatayo ng makitang iba na ang kaniyang mga kasama sa classroom.

Wala na ang ilang mga taong nagpakilala sa kaniya kanina.

"A-anong nangyari?" mahina niyang tanong.

"Kaninapa tapos klase niyo"

Napatingin si Arthur sa nagsalita at muntikan nang mapasigaw ng makilala kung sino ang kaniyang katabi. Kulang ang sabihing kinabahan siya dahil nakatingin sa kaniya ang lalaki na parang may alam.

"B-bakit ka nandito?" tanong ni Arthur.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko ng ganiyan" sagot nito

"What's happening there Mr. Rea?"

Napatayong bigla si Arthur ng makitang papalapit ang professor. Hindi niya ito kilala at parang hindi magandang makilala ang babaeng nakataas ang kilay kung maglakad.

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon