Chapter 26

2.1K 63 5
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"INCEST! INCEST!" 

Nagtakip si Arthur ng kaniyang tainga. Sinubukang hindi marinig ang sinasabi ng ilang lalaki na nasa kaniyang likuran. 

"Arghh.." Napaaaray siya ng biglang mapasadsad sa sementong daanan ng bigla siyang itulak ng ilang estudyante. 

"Putang ina. May baboy pala dito! Shet nangangamoy.." sambit ng isa na nakatingin sa kaniya. 

"Tama na 'tol" pigil ng isang lalaki dito. 

Umalis na lang si Arthur. Hindi na niya pinansin ang sinabi ng ilan at naglakad ng nakayuko.  Puno ng kahihiyan ang mukha na pumasok sa loob ng classroom. 

Ngunit hindi naging madali ang araw. Parang napakatagal nitong lumipas lalo na at hindi niya makita si Anthony kahit saan. 

"Bat ba tayo nagkakaganito Anthony" ani niya na nakatingin sa labas ng bintana. 

Hinintay niyang matapos ang klase bago lumabas. Naghintay sa lugar kung saan siya lagi hinihintay ni Anthony. Subalit ilang oras na rin siyang nahhihintay ay walang Anthony ang dumarating. Ilang araw na rin siyang naghihintay simula ng makapasok  siya sa eskwelahan at wala pang araw na nagpakita ito. 

"Hanggang kailan mo ba ako titikisin Anthony?" tanong niya sa kaniyang sarili. Naluluha habang nakatingala sa langit. 

Naglakad na lamang siya papunta sa sakayan ng bus ng makita niya ang paglabas nila Anthony sa eskwelahan. Naka basketball jersey ang maga ito na halatang kagagaling lang sa laro. 

Agad siyang tumayo. Nilapitan ang kaniyang pinsan. 

"A-Anthony" wika niya dito. 

Nasaktan siya ng bigla nitong kausapin ang isang kasamahan na hindi man lang siya pinansin muna. 

Tinawag niya itong muli. Humarang sa daraanan nito ngunit patuloy parin ang lalaki sa pagtrato sa kaniya na parang hindi siya nakikita.

Napapikit si Arthur. Pinigilan ang pagkapahiya na kaniyang nararamdaman. Kailangan niyang kapalan ang kaniyang mukha upang makausap si Anthony. 

"K-Kailangan kitang makausap" aniya na tumingin dito ng diretso 

"Tol kailangan ka raw niyang makausap" sambit ng kasamahan nito na ngumiti sa kaniya na parang nahihiya. 

"Oh pinsan" anito na tumingin sa kaniya. 

Nasaktan siya sa sinabi nito. Ngunit anuman ang sabihin niya ay parang wala na ito sa lalaki dahil tumatawa pa itong naka akbay sa kaniyang mga kasamahan na hindi man lang siya tinititigan. 

"Mahal k-" 

"Sorry.. may laro pa kami diyan sa kabilang kanto. Tara na mga 'tol" putol nito sa kaniyang sasabihin. Agad na tumalikod ang lalaki sabay hila sa kaniyang mga kasama 

Napatungo na lamang si Arthur. Napaluha habang naglalakad papunta sa istasyon ng bus. Siguro nga seryoso si Anthony. Seryoso ito sa sinabing ayaw na niya sa kanilang relasyon dahil hindi ito tama. Dahil isang kababuyan ang kanilang ginagawa. 

"Pero bakit? Bakit pa siya dumating?" umiiyak niyang tanong habang nakatingala sa langit. 

"Bakit pa niya ako minahal upang saktan lamang?" dagdag niya na napapikit. Hinayaang umagos sa kaniyang pisngi ang luha na ilang araw na rin niyang kinikimkim. 

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now