Chapter 25

2.4K 66 5
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Arthur's POV

"Gising ka na bunso. Miss na miss ka na ni kuya"

Napakislot si Arthur ng marinig ang boses ni Anthony. Parang nakaramdam siya ng kapanatagan ng magsalita ito.

"Anthony" ani niya. Ngunit tila walang narinig ang lalaki. Patuloy lamang ito sa  pagsasalita ng kung ano ano.

"I promise na hinding hindi na ako makikipagaway, na ikaw na lang ang susundin ko kahit ano pa ang gusto mo. K-kahit nga sabay pa nating panuorin ang favourite mong videos eh. Kapag gumising ka na at naririnig mo ako..bibigyan kita ng isang wish  na kailangan kong gawin no matter what. Kahit ano. Kahit ano bunso"

Naramdaman niya ang paghawak nito sa kaniyang kamay. Marahan nitong hinaplos ang likuran ng kaniyang palad. Ipinaramdam ang init ng mga kamay nito na ilang araw din niyang hiniling na maramdam.

"Anthony.." muli niyang tawag dito.

Sinubukan niyang gumalaw. Nais niyang pigilan ang pag alis ng palad nito sa kaniyang kamay ngunit parang hinang hina ang kaniyang katawan. Ni hindi niya magawa kahit ang mumunting usog ng daliri na kaniyang gustong gawin.

"Anthony.. k-kuya" marahan niyang sambit na naiiyak. Nalulunod na siya sa pakiramdam na wala siyang kayang gawin.

"Bunso. Ayaw mo ba na humingi ng wish sa akin?" ani ng lalaki na dinama ang kaniyang braso.

Iginalaw niya ang kaniyang daliri. Ipinaramdam kay Anthony na naririnig niya ito. Na hindi nito kailangang mangako dahil baka seryosohin niya.

"Aalagaan kita..mamahalin. Mamahalin kita na ikaw lang Arthur. Ikaw lang baby"

"AHHHHHHHHHHH!" mariin niyang sigaw sa huling sinabi nito.

Kahit nanghihina pa ang kaniyang pakiramdam ay sinubukan niyang gumalaw. Hindi man niya mapakibot ang kaniyang mga daliri ay nagawa naman niyang ipunin ang lahat ng kaniyang lakas upang masagi ang mga bagay sa kaniyang harapan.

Itinulak niya lahat. Nagpagulong gulong sa kaniyang higaan.

"Ahhhhhhhh.. AHHH" sigaw niya ng maramdaman ang karayom sa kaniyang braso. Sa bawat galaw na kaniyang ginagawa ay parang napakaraming matalas na bagay ang patuloy na bumabaon sa kaniyang katawan. Naninikip na rin ang kaniyang paghinga.

"ARGGGH!" muli niyang ungol na sinipa ang lalaking nasa kaniyang harapan.

"IKAW LANG BABY!" rinig niyang sambit nito ng paulit ulit. Para siyang matuturete sa boses nito kaya pilit niyang itinakip ang dalawang palad sa kaniyang tainga. Sa lakas ng kaniyang pagkakatakip ay tuluyang nawala ang karayom sa kaniyang braso at tanging dugo na lamang ang pumalit dito.

"Ikaw lang baby! Ikaw lang!" ani Niel na nakatingin sa kaniya. Nakangisi ang mukha nito habang marahang lumalapit sa kaniya.

"Ahhhh! Tumigil ka na! Maawa ka!" sigaw niya dito ngunit patuloy parin ang ginawa nitong paglapit.

Nakahubad ang buong katawan nito. May dala dalang malaking batuta na alam na niya kung para saan.

"Ikaw lang baby ang para sa akin! Sasarapan ko lagi para hindi ka na maghanap" nakangisi nitong sambit na biglang hinila ang dalawa niyang paa.

Napahiga siya sa malambot na kama. Isinara ang dalawang hita na pilit nitong ibinubuka.

"S-Sorry. sorry na" aniya na napaluha.

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now