Chapter 19

3.1K 91 7
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Arthur's POV 

Sumisikat ang araw sa umaga. Lumulubog ito sa gabi. Parang buhay minsan maliwanag pero minsan madilim. Minsan may kalungkutan ngunit mas marami ang kasiyahan. 

Pinagmasdan ni Arthur ang dapit hapon. Ang papalubog na araw  ay nagbibigay ng matinding takot sa kaniya. Tila ang paglubog nito ay umpisa rin ng paglubog ng kaniyang kasiyahan. 

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Dinama ang mainit na hangin na dumadampi sa kaniyang pisngi. 

"Nagkukulay orange pala talaga ang langit" puna niya ng mapatingala sa mga ulap na nabahiran ng kulay ng papalubog na araw. 

Itinaas niya ang kaniyang dalawang braso. Ginaya ang ginawa ni Rose ng nasa barko ito ng Titanic. 

Nilanghap niya ang amoy ng hangin. Nilasahan ang alat nito sa kaniyang dila. 

"Ang sarap talaga ng dagat..hmmp-" 

"Arturo, bumaba ka na nga dito! Ano pa ba ang ginagawa mo diyan sa itaas? Gabi na!" sigaw ng kaniyang Lola Pasing. 

Napasimangot siya. Binuksan ang mga mata at tinitigan ang matanda na nakatayo sa likuran ng kusina. 

"La naman, ang ganda na ng imagination ko eh. Sinira niyo pa" reklamo niya. 

Hindi na niya narinig pa ang sinabi ng kaniyang Lola bago ito pumasok sa loob ng bahay. Dumaan kasi sa kaniyang uluhan ang malaking eroplano na mababa lang ang lipad. 

Tama. Wala siya sa dagat. Nasa veranda siya ng bahay nila sa third floor. Kinuha niya ang walis tambo na kaniyang hawak hawak at winalis ang ilang dahon na nalaglag sa sahig galing sa puno ng kaimito. 

Ilang minuto lang ang lumipas bago tuluyang lumubog ang araw. Binuksan na lang niya ang ilaw at nagpahingang muli. Mas ramdam  niya ang hangin dito. 

Kinuha niya ang kaniyang tablet. Nagbukas ng wattpad upang basahin ang mga kuwento ng kaniyang favorite author na si mark jimena (choss XD). 

Napabuntong hininga si Arthur. Buntong hininga na halos wala ng hangin sa sobrang lalim ng kaniyang ginawa. 

Hindi niya nakausap si Niel ng siya ay pumasok. Pagkatapos nitong umuwi galing sa kanilang dapat ay date ay hindi na ito nagpakita pa sa eskuwelahan. Tatlong araw na rin ang nakakalipas. 

Sinubukan niyang mag text dito. Tinawagan niya na rin ang number ngunit walang sumasagot. Kung hindi busy ay out of coverage naman ang telepono nito. 

Nag aalala na siya. Nagtataka kung anong nangyari dito. Kung totoo nga ang sinabi ni Anthony na hindi gawain ni Niel ang umabsent ng ganito katagal, lalo pa ang walang dahilan, tama lang na mag alala siya dahil boyfriend parin niya ito. Kung may magagawa man siya ay  ito ang alalayan ang lalaki hanggang ang relasyon nila ay tuloy parin. 

"Pero bakit naman kasi umabsent umabsent.. grr.. pati ako iniinis" ani Arthur. 

Para siyang batang nagpapadyak sa semento. Alam kasi sa buong school ang kanilang relasyon kaya sa kaniya lagi hinahanap ang lalaki. 

Napahinga na lang ulit siya ng malalim at umupo sa rocking chair. Pumunta sa files ng kaniyang tablet at plinay ang latest video scandal ni Cyrus. 

Mas maganda nang maglaway siya sa katawan nito kesa ang mastress sa kakaisip ng taong ayaw magpahanap. 

"OMG...." 

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now