Chapter 14

3K 103 6
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Niel's POV 

"Masakit para sa akin na i-share ka sa ibang lalaki, pero dahil monthsary natin at gagawin ko lahat para sayo....hahayaan kitang maka sex ang infamous na si Cyrus" ani Niel kay Arthur. 

Kita niya ang hindi makapaniwalang reaksiyon ni Arthur na nakapaskil sa mukha nito.Si Cyrus na nasa kama ay tumayo at  nakahubad na pinuntahan si Arthur. 

"Mahal kita Arthur. You can still say no kung ayaw mo..pero I'll be here kung gusto mo siyang i-claim as a gift from me" dagdag niya. 

Gusto niyang marinig sa bibig ni Arthur na ayaw nito. Na mahal siya nito at hindi nito kakayaning makipagtalik sa iba mailban sa kaniya. Na mas matimbang siya kesa sa isang porn star celebrity ng school. 

"Kilala mo si Cyrus?" tanong ni Arthur na nakatingin sa kaniya. Namimilog ang mga matang lumapit sa lalaking nakahiga. 

"O-oo" sagot ni Niel. Parang nawasak ang buo niyang pagkatao sa sinabi ni Arthur. Nasa boses nito ang pagkasabik na una at huli niyang naramdaman ng halos may mangyari sa kanila sa beach dati. 

Umupo si Niel sa upuan. Tinitigan ang dalawang lalaking magkatabi sa kama ng kaniyang sariling kuwarto.Pinagmasdan niya ang mga daliri ni Arthur na unti unting dinadama ang katawan ni Cyrus. Ang mga palad nitong humahaplos sa malaking tattoo sa balakang ng lalaki. 

"Ikaw ba talaga si Cyrus?" rinig niyang tanong ni Arthur sa lalaki.  

Tumango ito. Tumango kasabay ng pagkabuhay ng pagkalalaki nitong tanging maliit na tela ang nakatakip. 

Hinalikan ng lalaki si Arthur. Dahan dahan hinubad ang damit hanggang sa pareho na silang hubad. Tumayo si Niel. Binigyan ng huling sulyap ang dalawa bago lumabas ng pintuan. Hindi niya kaya. Hindi kaya ng puso niyang makita ang sariling kasintahan na may kasamang iba. 

"Ser okay lang kayo?" tanong ng babaeng katulong na nakasalubong ni Niel. 

"Wag mo akong pansinin Rosa." ani niya 

"Kayo po" 

"Padalhan na lang ako ng kape sa terasa. Wait, Tatlong beer na lang" utos niya sa babae. 

Umupo si Niel sa bakanteng upuan. Pinagmasdan ang madilim na langit at dinama ang malamig na simoy ng hangin. 

Huminga siya ng malalim at pumikit. Ang ilang butil ng luha ay hindi niya nakayanang pigilan ng lumabas ito sa nakasarang mata ng maisip kung ano na ang nangyayari sa loob. 

Mahal niya si Arthur. Iyon ang nagiisang bagay na malinaw sa utak ni Niel. Ito ang pinakamagandang bagay na nangyari sa kaniya sa loob ng dalawang dekadang nabubuhay siya sa mundo. 

Marami siyang naging girlfriend. Marami siyang pinaglaruang damdamin. Pero bakit tila siya ang pinaglalaruan ng tadhana ngayon? 

"Hindi ko ginustong magkagusto sa kapwa ko lalake. Ito na ba ang parusa sa akin? Ang magmahal at masaktan?" 

Napayuko siya. Hindi pa ganoon katagal ang relasyon nila ni Arthur pero parang taon na ang lumipas kung mahalin niya ito. Wala itong kaartehan sa katawan. Sinasabi ang lahat ng gusto. Bakla man ito pero hindi nito ikinahiya ang sarili. Iyon ang mga bagay na nagustuhan niya sa lalaki. 

Gustong niyang alalahanin ang unang araw na nakita niya ito sa eskwelahan. Ang unang araw na nakita niya itong nagpapractice ng linya para makapasok sa drama club. Napakanatural nito. Napakatotoo. Napakamasayahin na kahit siya na isang playboy ay nakuha nitong bigyan ng curiosity upang kilalanin ang pagkatao nito. 

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora