Chapter 21

2.4K 73 4
                                    

Author's Note: Wahhhh Apat na chapters na lang yata ito o lima. Malapit na siya magtapos. Sana po nag eenjoy kayo sa kuwento :D

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Anthony's POV 

"Anthony? Anong ginagawa mo dito Anthony?" malakas ang boses na tanong ni Arthur sa kaniya 

"H-hindi ako si  Anthony" aniya na agad nagtakip ng mukha. 

Umusog si Anthony sa likuran ng kama kung saan mas madilim bago inayos ang pagkakatakip ng kaniyang maskara. Kahit hindi niya nakikita ay tiyak ang pamumula ng kaniyang pisngi sa paulit ulit na pagsampal dito ni Niel. Ramdam niya ang hapdi ng kaniyang balat sa tuwing didikit ang malamig na korte ng pekeng mukha na kaniyang pinapatong lagi. 

"Sure ako na ikaw yan Anthon-" 

"Siya si Cyrus, Arthur!. Ang lalaking kinababaliwan mo" sabad ni Niel na ipinagpasalamat niya. 

Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Hindi pa siya handang kausapin ito dahil kahit siya ay nagulat ng makita ito sa loob ng kuwarto. 

"Isa lang siyang bayarang lalaki Arthur. Bakit mo napiling mahalin ang isang katulad niya? Mas magaling ba siya sa akin?" 

"Ano bang pinagsasabi mo Niel? At bakit mo ba ko pinapunta dito?" rinig niyang tanong ni Arthur na iwinaksi ang kamay ni Niel na yumakap dito. 

"Mahal kita Arthur" ani Niel na hinalikan ang bibig ng binata. 

Agad siyang humakbang papunta rito upang pigilan ang kaibigan sa ginagawa ngunit agad siya nitong hinablot papunta kay Arthur. Itinulak silang pareho sa kama kaya hindi niya naiwasang mapapatong dito. 

"Pagsawaan mo siya Arthur. Hahayaan kitang makipagtalik sa lalaking yan kung yan ang gusto mo. Pero katulad ng sinabi ko, mahal kita kaya kakayanin ko lahat, kaya sige umpisahan mo na" sigaw nitong galit. 

"May mahal na akong iba Niel. Hindi mo na ako madadala sa mga suhol mo." 

"Pero siya naman ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay di ba? Dahil sa gagong yan!"

"Walang kinalaman si Cyrus dito Niel. Hindi na kita mahal, hindi mo ba maintindihan iyon?" 

Umalis si Arthur sa pagkakadapa nito sa kaniya. Tumayo si Anthony ng marahan at patuloy na pinagmasdan ang dalawa sa pagtatalo. Natutuwa siya na malakas na ang paninindigan ni Arthur na huwag pumatol kay Cyrus katulad ng usapan nila. Kahit pa ba ang Cyrus na iyon ay siya mismo. 

"NO!Makipagtalik ka sa kaniya para masabi mo ang sinabi mo dati sa akin. Na mahal na mahal mo ako dahil hinayaan kitang makamit ang dream mo! Arthur please.." 

Parang sumasakit ang kaniyang ulo sa ginagawa ng dalawa. Nahihihrapan siyang makitang ganito ang matalik na kaibigan, ngunit mas mahirap na makitang parang nagdadalawang isip ang mahal mo kung papayag ba ito o hindi. 

"Huwag mong pilitin ang sarili mo kung ayaw mo" aniya na ikinatingin ng dalawa. 

"Wala kang dapat gawin para mapatunayan sa isang tao na hindi mo na ito mahal" dagdag niya ng nakangiti. 

Alam niyang hindi siya maaring magsalita bilang isang Anthony ngayon dahil sa kaniyang maskara. Pero nais niyang tulungan ang nobyo sa kinakaharap nito. 

"ITALI MO SIYA CYRUS!" sigaw ni Niel na ikinagulat niya. 

Lumabas ito upang tuluyang ilock ang pintuan. Bumalik sa amin na may dala dalang tali na hindi niya alam kung saan nito nakuha. 

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang