Chapter 7

4.4K 109 1
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Anthony's POV

"Kaibigan mo ba yun 'tol?"

"Pinsan" sagot niya na nakatingin lang sa kabilang dulo ng gym kung saan nagpapraktis ng theater si Arthur.

"Talaga lang ha? Parang kanina ka pa nakatingin dun.. huwag mong sabihing nababakla ka na Tonying"

"Gago ka Neil. Baka ikaw ang may gusto dun" natatawa na lang na siyang nag shoot ng bola.

Kaibigan niya ito. Matalik na kaibigan dahil hindi lamang ito magaling sa basketball, matalino rin ito at palakaibigan.

Nakilala niya ang lalaki ng unang beses pa lang siyang mag enroll sa unibersidad tatlong taon na ang nakakaraan. Ito rin ang naging dahilan upang matuto siyang maglaro ng basketball para makakuha ng varsity scholarship.

Kung may isang tao mang dapat siyang pasalamatan ay si Neil ito. Ito ang naging mabuting halimbawa sa kaniya sa kabila ng mga problema niya sa bahay. Ang nagudyok sa kaniyang mag aral at mag laro ng sabay upang makapagtapos. Ngayon nga ay isang taon na lang ang bubunuin niya para makagraduate aat makatulong sa pamilya.

"Paano kung sabihin kong I find him interesting? Bakla na ba ako nun?"

Nabigla siya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan na manggagaling mismo sa bibig nito ang mga salitang iyon. Kaya naman hindi na siya nagtaka ng magmintis ang kaniyang three point shot sa kabiglaan.

"Mag practice na nga lang tayo...kulang lang yan sa pagpapawis" biro niya na kinuha ang bote ng tubig at lumagok mula duon.

Sinilip niya ang kinalalagyan ni Arthur na nagsasaulo ng kung anumang linya meron ito. Ilang araw pa lamang simula ng pumasok ito pero kuha na agad nito ang loob ng mga kasamahan dahil sa kanilang mga tawanan.

"Best friend kita Tonying kaya magiging open ako sayo.." ani Neil na ikinabuga ni Anthony

"W-wait..tinatakot mo naman ako sa mga intro mo 'tol. Wag na nating pagusapan yan..hindi bagay sayo"

"Alam ko kung ano ang ginagawa mo Tonying. Kung ano ang trabaho mo...and to tell you frankly na cucurious lang ako kung paano mo nagagawa yu-"

"Walang connection ang trabaho ko dito" aniya sa mababang boses. Nais niyang ipaalam na hindi siya nakikipagbiruan kung ang bagay na iyon ang pag uusapan.

"I know. Gusto ko lang sabihin sayo na wala naman sigurong masama kung mag eexplore din ako... and you'll help me right?" tanong ni Neil na humawak sa magkabila niyang balikat.

Pinagmasdan ni Anthony ang mukha ng kaibigan. Napabuntong hininga na lamang siya sa seryosong ekspresiyon nito. Wala na nga sigurong makakapigil pa sa kung anong gusto nitong gawin.

Tumango na lamang siya. Bigla naman itong yumakap sa kaniya na nagpapasalamat. Walang malisyang humalik ito sa kaniyang kanang pisngi bago umalis na nagsisisigaw. Napailing na lamang siya sa ginagawa ni Neil. Kung hindi lang ito gwapo ay baka napagkamalan na silang mag dyowa dahil sa hilig nitong manghalik sa pisngi.

"Guys.. back to practice na tayo.."

Inilagay na lang ni Anthony ang kaniyang inumin sa upuan bago pumunta sa gitna ng court. Nag simulang mag dribble at magpaikot ikot sa mga maliliit na cone sa sahig upang mahasa ang control at tatag ng mga muscles niya sa binti.

Muli niyang tinitigan si Arthur. Nakangiti pa rin itong umiikot ikot sa stage kasama ang isang payat na babaeng nagsasalita rin.

"My.. my..." aniya sa sarili.

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now