Chapter 20

2.8K 76 1
                                    

Author's Update: Sorry sa mabagal na net. Pero heto na po ang update :D

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Anthony's POV

"Magpapakamatay ako.. magpapakamatay ako kapag hiniwalayan mo ako" 

Napatingala si Anthony ng marinig ang malakas na boses ni Niel. Nakita niya itong nasa terrace ng kuwarto ni Arthur na hubo't hubad. Sumisigaw habang may kausap sa loob. 

Lumabas lang siya kanina ng bahay upang magpahangin. Hindi niya kasi inaasahan na susuwayin ni Arthur ang kagustuhan niyang huwag na itong manuod ng mga videos ni Cyrus. Pumayag naman siyang magpakalabit dito kung kelan nito gusto. Okay lang din sa kaniya na maging sikreto ang kanilang relasyon basta iyon lang ang hindi nito gagawin. 

"Huwag na huwag mong sasabihin yan! Please Arthur" 

Rinig niya ang boses ng kaibigan. Kahit gabi na ay may mangilan ngilan parin namang naglalakad sa kalsada na napapatingin sa komosyon na nangyayari sa itaas. Nakahubo pa ang lalaki kaya ang mga mata ng miron ay nakatutok sa katawan nito. 

"Hindi totoo ang nakita mo Arthur. Hindi ako yun.." 

Magsasalita na sana siya upang kausapin ang kaibigan mula sa ibaba  ng makitang tumalon ito mula sa second floor. Para siyang nanigas ng makita itong dahan dahang bumagsak sa lupa. Nais man niyang iligtas ito ay hindi na niya nagawa sa kabiglaan. 

"NIELLLLLLLLLLLLLLLLL!" sigaw ni Arthur na ikinagising ng kaniyang diwa. 

Kumuha siya ng malaking damit sa loob at ipinatong ito sa hubad na katawan ng kaibigan. 

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong niya dito na kinakabahan. 

Nakapikit lang si Niel na lumuluha. Hindi ito nagsasalita habang kinakausap niya. Chineck ni Anthony ang katawan nito. Tiningnan kung may fractures o nabaling buto ngunit tila wala naman. May ilang bruises lang ang tagiliran nito at braso pero wala nang iba pang sugat siyang nakita. 

"Dadalhin na kita sa ospital..."aniya. 

Binuhat niya ang katawan nito na napakapit sa kaniyang braso. Nasasaktan siya sa mahigpit na pagkakakapit nito ngunit hinayaan lang niyang gawin nito ang gusto hanggang sa makahanap siya ng taxi. 

Hindi niya alam ang nangyari. Wala siyang ideya sa pinagtalunan ng dalawa maliban sa kaniyang narinig, ngunit alam niyang seryoso ang pinaguusapan ng mga dahil sa nangyari. 

"Manong sa pinakamalapit na ospital na la-" 

"Sa Parkeville na lang po" putol ni Niel sa kaniyang sasabihin. Nagpadiretso ito sa kanilang bahay. 

"Magpa check up ka muna 'tol. Baka may bali ang mga buto mo" aniya na naunang bumaba. 

"Puso ko lang Tonying ang masakit" 

Hindi na lang siya sumagot ng bumaba ito ng taxi. Tanging malaking long sleeve ang suot nito na bahagya lang natakpan ang maselan nitong parte ng katawan. 

Pumasok ito sa gate. Sumunod na lang siya sa lalaki hanggang sa kuwarto nito. Humingi siya ng yelo sa katulong at tinulungan si Niel na linisin ang mga sugat nito. 

Walang nagsasalita. Tahimik silang dalawa. Kahit ang patak ng natutunaw na yelo ay maririnig sa kanilang pagitan. 

Tumayo si Anthony. Kinuha ang alcohol sa lamesita at binuhusan ang sugat nito. 

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now