Chapter 30 FINALE Part 1

2.3K 69 9
                                    

Author's NOte: Finale na po.. kaya sana wag niyo kalimutangmag vote at comment :D

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"May bisita ka Arturo"

Napatingin si Arthur sa pintuan ng marinig ang boses ni Lola Pasing. Inabangan niya kaagad kung sino ang maari niyang maging bisita ngayon.

"Antho-"

"Musta ka na Art?"

Ang kaniyang nakangiting mukha kanina ay mabilis na nabalot ng inis ng makita kung sino ang pumasok sa loob ng sala.

"Anong ginagawa mo dito Niel?" madiin niyang tanong.

Napa ismid na lamang siya ng umupo ito sa kawayang sofa na nasa kaniyang harapan. Ni hindi tinablan ng hiya o makaramdam man lang na ayaw niya itong makausap ngayon.

"I brought some chocolates para makain mo. Di ba favorite mo 'tong toblero-"

"Pabayaan mo na ako"

"Bakit mo sinabasabi yan Art?"

"Dahil walang dahilan para puntahan o bisitahin mo pa ako Niel! Tapos na tayo! At dahil sayo ..pati kami ni.. ni Anthony ay tapos na rin!"

Napaiyak siyang muli ng maalala si Anthony. Nagtatagis ang bagang na napahawak siya sa kaniyang dibdib at kinuyumos ito ng mahigpit.

"Wala na siya kaya huwag mo nang pahirapan ang sarili mo"

"TANG INA KA PALA EH! Ikaw ang pumatay kay Anthony! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nahihirapan Niel!" sigaw niya rito.

Hindi na niya napigilan pa ang sariling itulak ito sa upuan at kuwelyuhan.

"Kung hindi ka lang nagmarunong para magkahiwalay kami ay hindi ko malalaman ang ginawa niya. Hindi sana kami mag aaway. At hindi sana ako mahuhulog sa balon  para iligtas niya. Hindi sana siya namatay!"

Humagulgol siya ng walang tigil. Walang pakialam kung may makarinig man sa kaniya. Ilang araw na siyang nagpipigil at nagdurusa. At sa totoo lang ay hirap na hirap na siya. Napapanaginipan niya si Anthony gabi gabi. Binabangungot siya ng katotohanang namatay ito ng hindi man lang niya napapapatawad. Sigurado siyang  bago pa man ito nalagutan ng hininga ay siya ang sinisisi nito. Na may galit ang lalaki dahil hinamak pa niya ang pagkatao nito.

"Umalis ka na NIEL! At please lang huwag ka nang magpakita sa akin kung hindi mo lang naman maibabalik ang buhay ni Anthony!"

Hinila niya ito palabas. Isinalya sa tapat ng pintuan ng hindi man lang ito lumalaban. Napaupo ang lalaki sa lapag ngunit hindi siya nakaramdam ng awa dito. Kahit ng makita niya ang kaniyang Lola sa garden na nag aayos ng mga halaman ay hindi niya magawang tumalikod at basta na lang ito sabihan na okay na sila.

"Umalis ka na Niel" muli niyang taboy dito bago tumalikod. Subalit hindi siya agad nakasagot ng bigla itong yumakap sa kaniya mula sa likuran. Mahigppit na pinagsugpong ang dalawang braso nito sa kaniyang dibdib kaya hindi siya makaalis.

"Hiningi ko ang puso mo. Hiningi ko na mawalan ako ng karibal upang ako na lang ang mahalin mo..pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kaya na makitang sinisira ng hiling kong iyon ang tanging tao na gusto kong maging masaya"

Naramdaman ni Arthur ang pagpatak ng luha ng lalaki sa kaniyang balikat. Gusto niyang tanggalin ang pagkakayakap nito. Nais niyang itulak itong muli. Subalit napaluha na lamang siya habang nakahawak sa kamay nito.

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now