Chapter 15

3.6K 101 6
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Arthur!Arthur!" 

Rinig niya ang sigawan ng ilang estudyante habang binubuhat siya ng ilang lalaki papunta sa isang stretcher. Gustuhin mang sumagot ni Arthur sa tawag nila ay hindi niya magawa. Maraming tubig ang pumasok sa kaniyang baga. At hindi lang basta ito tubig. Maruming tubig ito sa balon na  ilang taong nang stock duon. 

"Arthur..si A-anthony.."

Tumingin siya kay Milly. Umiiyak itong nakatingin sa kaniya ng ipasok siya sa aloob ng ambulansiya. Isinara ng isang lalaki ang pintuan kaya ang lahat ng kaniyang nais sabihin ay tuluyan ng kinain ng ingay ng sasakyan. 

Pumasok sa isip niya si Anthony. Ang lalaking sumagip sa kaniya kahit maraming masasamang bagay na siyang sinabi. Napaiyak si Arthur. Masama siyang tao. Hinusgahan niya ito ng hindi man lang nag iisip.

Bumangon siya sa kaniyang kama. Pinagmasdan ang pasyenteng nasa kabilang higaan ng kaniyang kuwarto. Isang linggo na rin ang nakakaraan. Isang linggo na siyang nasa ospital dahil sa muntikan niyang pagkalunod. 

"Kamusta na kaya sila?" mahina niyang bulong 

"Bat hindi mo puntahan Arturo?" ani Lola Pasing na hindi niya napansing pumasok sa kuwarto. Agad itong umupo sa mahabang upuan na nasa gilid ng kama at naglabas ng pagkain. 

"Alin ang puntahan 'La?" 

"Yung mga taong gusto mong kumustahin. Puwede ka na raw lumabas sabi ng doktor kung wala ka nang nararamdamang iba" anito 

Muling tumingin si Arthur sa labas ng bintana. Oo. Wala na siyang nararamdaman. Sa limang araw niyang pananatili doon ay nawala na ang ilang worms na nasa kaniyang bituka dahil sa maruming tubig na kaniyang nainom. Patuloy pa rin siya sa pag inom ng concentrated na tubig para ma flush out lahat. 

Mabuti na lang at walang tubig na pumasok sa kaniyang utak pero naging delikado rin ang buhay niya. Ayon sa duktor ay malapit na sa baga ang tubig na kaniyang nainom sa tagal ng kaniyang pagkakalubog dati. Kung wala daw nakapagligtas sa kaniya ay baka pinaglalamayan na siya ngayon. 

"Huwag mo na munang isipin ang iba Arturo. Kung ayaw mo pang umalis dito, okay lang. Babayaran ko ang lahat basta magpagaling ka" sambit ng kanyang Lola na napaluha. 

Agad niya itong niyakap. Ang luha ng matanda ay tuluyang naging hikbi. Napaiyak na rin si Arthur ng halos mag ka beke na ito sa kakasinghot. 

"Huwag na huwag mo akong maiwan iwan Arturo. Hayaan mong mauna ako sayo dahil mas matanda na ako ng sobra." 

"Ano bang pinagsasabi niyo 'La, hindi naman ako aalis eh" 

"Huhuhu. Akala ko mamatay ka na. Iniwan ako ng anak ko ng malunod siya, ayokong pati apo ko ay mamatay sa tubig din.. ayoko Arturo.. ayokong mawala ka. Paano na ako , maiiwan na naman akong mag isa?" 

Hinaplos ni Arthur ang likod ng kaniyang Lola. Hindi niya maiwasang malungkot. Tama naman kasi ang sinabi nito. Sila na lang ang magkasama sa buhay. Pagkatapos mamatay ng kaniyang papa at mama ay natakot na rin sila sa tubig. Kaya nga bihira rin silapumunta sa mga beach at ilog. 

"Sus. Hindi pa ako mamamatay sa ganong bagay lang." ani Arthur na naiiyak. Hindi man niya sabihin ay siguradong ramdam ng kaniyang Lola ang kaniyang pagmamahal dito. Hindi rin niya kakayanin na mawala ito sa kaniya. 

"Anu ba kasing ginagawa mo sa balon na yun?" tanong nitong hindi pa rin tumitigil sa pag iyak. 

Iniharap na niya ang mukha nito sa kaniya at pinunasan ang pisngi. Love na love niya ang kaniyang lola at ayaw na ayaw niya itong nakikitang umiiyak. 

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now