Chapter 30 FINALE Part 2

3.8K 116 41
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

 LAST NA PO ITO. SANA NAGUSTUHAN NIYO ANG STORY. OPEN PO AKO SA KAHIT NA ANONG FEEDBACK :D


"Tingin dito"

Sinunod ni Arthur ang sinabi ng duktor at tumingin sa harap ng maliit na flashlight na dala nito. Kahit nasisilaw ay sinunod niya gusto ng manggagamot dahil nakangiti sa kaniya si Anthony sa kaniyang tabi.

"Mag peprescribe na lang ako ng gamot kay Mr. St. Benedict para mas magkaroon siya ng ganang kumain" sambit ng espesyalista na nakatingin sa kaniya.

May isinulat ito sa papel na hindi niya maintindihan kaya napatingin na lamang siya kay Anthony.

"Magiging okay ka din" mahinang bulong nito na tumingin sa duktor.

"Kumusta na ang kalagayan niya Dok?" tanong nito sa lalaki

"Kailangan lang niya ng sapat na pahinga Mr. Rea. Gamot at pagmamahal para malampasan niya ito" paliwanag ng  lalaki na muling ngumiti sa kaniya.

"But I must say na maganda ang epekto sa kaniya ng ginawang operasyon. He's healthier than he looks given the complications he went through" dagdag  nito na ikinangiti ng mga tao sa paligid.

Wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi ng mga ito subalit masaya siya. Pinipisil pisil kasi ni Anthony ang kaniyang palad na tila nagsasabing okay na at wala na siyang dapat alalahanin pa.

Marahan siyang inihiga ni Anthony ng makaalis ang duktor. Kahit ang kaniyang Lola na nasa harapan lang kanina ay umalis muna upang bigyan sila ng pagkakataong makapag usap.

"I missed you so much" ani niya na niyakap ito ng mahigpit.

"Aishh. Parang hindi mo naman kailangan ng vitamins para lumakas eh. Kayang kaya mo nga akong yakapin na parang sawa oh" biro nito na ikinatawa niya.

"Miss na miss na kita eh"

"Hindi naman kita namiss"

Natigil siya sandali sa sinabi nito ngunit agad din ngumiti ng makitang nagbibiro ang lalaki.

"Binabantayan kita dito sa ospital araw araw sa loob ng tatlong buwan. Paano pa kita mamimiss kung lagi naman kitang ninanakawan ng halik?"

Hindi niya alam kung matatawa o hinde sa sinabi nito. Ngunit ang pagkunot ng kaniyang noo at pagkatagilid ng kaniyang nguso ay sapat na upang ipakita dito na hindi niya naiintindihan ang lahat.

Tatlong buwan. Walang kung anumang paliwanag ang maaring maglagay sa kaniya sa loob ng ospital ng ganuon katagal. Kahapon lang siya nalaglag sa balon sa pagaakalang namatay na si Anthony.

"Nagbibiro ka lang di ba?" aniya.

Subalit nakatingin lang sa kaniya ng seryoso si Anthony. Ang ngiti nito sa labi ay biglang nawala.

"Ka-Kahapon lang ako nahulog sa balon. Sinadya ko na magpakatihulog upang balikan mo ako. Iyon ang rason kung bakit nandito ka di ba? Dahil hiniling ko?" nalilito niyang pahayag na unti unti nang naiiyak.

Parang biglang bumalik sa kaniyang pakiramdam ang sakit ng mga bubog sa kaniyang paa kahapon. Ang panloloko ni Niel ng gayahin nito ang lalaki.

"Nasa ospital ka na Arthur simula ng mahulog ka sa balon three months ago. Nahulog ka habang nakikipag away sa akin during the festival. Wala ka bang natatandaan?"

"Matagal na ang sinasabi mong yan Anthony. Nahulog ako sa balon kahapon. Pangalawang beses na iyon. Ang festival na sinasabi mo ay kung.. kung.. kung saan ka namatay!"

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now