Chapter 4

5K 114 2
                                    

 ****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Anthony’s POV

Napatawa ng malakas si Anthony. Tawa na halos magpaluwa ng mga bituka sa kaniyang katawan. Tinitigan niya si Arthur na nakatingin sa kaniya ng matiim.

"Seryoso?" tanong niya dito.

Tinanguan lang siya ni Arthur. Nawalang bigla ang ngiti sa kaniyang mukha ng mapagtantong seryoso ito sa sinabi.

Walang matinong tao ang mag aayang makipagsex sa taong kakakilala lang niya. Kaninang umaga lang sila nagkaroon ng iringan, nagkasama sa isang unit sa pang hapon pero nag aaya na agad itong makipag sex?

"Sorry hindi ako pumapatol sa bakla" ani Anthony na tumalikod.

Hindi naman niya inakala na makikita nito ang isang bagay na kaniyang ginagawa. Ang kulit kulit kasi ng kaniyang girlfriend na kating kati na sa katawan. Pinagbagyan lang naman niya ito dahil sinusundan siya kahit saan. Ginugulo na baka may ibang babae siyang ginagamit dahil hindi niya mapagbigyan.

Bumaba siya sa building at dumiretso sa may balon. Umupo sa dulo ng sementadong bibig ng balon at inayos ang pantalong nasira dahil kay Arthur.

Stuck ang zipper nito sa pinakaibaba at dahil sa pagkakahila ni Arthur dito kanina ay mahirap na itong isara. Hindi naman siya pupwedeng maglakad lakad sa campus o umuwi na nakabukas ang kaniyang pundilyo. Baka isipin pa ng mga taong exibitionist siya.

Pilit niya itong isinara ngunit hindi niya talaga mahila. Pawis na rin ang kaniyang noo dahil sa inis at init ng panahon.

"A-ako na lang ang magaayos" ani Arthur na naroroon pa rin pala. Nakatayo lang ito sa gilid at pinagmamasdan ang kaniyang ginagawa.

"Hindi na" sagot ni Anthony

Napamura na lang siya ng maipit pa ng zipper ang kaniyang daliri. Agad niyang hinipan ang kaniyang daliri.

"Kung minamalas ka nga na- anong ginagawa mo?"

Napamulagat siya ng biglang yumuko ang lalaki sa kaniyang harapan. Hinawakan nito ang kaniyang harapan na nagpasinghap sa kaniya.

Gusto man niyang umatras ay hindi niya magawa. Nakaupo siya sa bunganga ng balon at kaunting atras lang ay sa loob nito siya nito pupulutin.

“Huwag d-di-dito.....” aniyang napapikit.

Pinigilan niya ang kamay ni Arthur sa paghawak sa kaniyang pundilyo pero iwinaksi lang nito ang kaniyang kamay. Hinila ang tela ng kaniyang pantalon at sinusubukan isara ang nasirang zipper.

"Huwag ka nang gumalaw para hindi maipit ang junior mo" ai Arthur sa tumingin sa kaniya.

Napalunok siya. Hindi na lang siya gumalaw dahil dumadaiti na sa kaniyang balat ang mga kamay nitong inaayos ang kaniyang zipper. Ang int ng balat nito ay ramdam niya sa kaniyang hita.

Pinagmasdan niya si Arthur. Hirap na hirap itong gumalaw dahil halos nakaangat ang mga daliri nito para hindi ako matsansingan. Kahit alam niyang ustong gutso nitong makatsansing sa kaniya.

“Bakit mo naisip na makipag sex sa akin?” tanong niyang napapaangat ang puwet.

Hinihila pataas ni Arthur ang kaniyang pantalon na sa wakas ay naisara din.

"Gusto ko lang ng experience"

"Maghanap ka na lang ng ibang lalaking papatol sayo...." ani niya na agad tumayo.

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon