Chapter 11

2.7K 102 10
                                    

Author's Note: may pagka x po itongpart na ito. reminder lang po :D

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Arthur's PoV

Umuwi si Arthur sa kanilang bahay ng walang lingon likod. Hindi na niya inalam kung sinundan ba siya ng kumang niyang boyfriend at ng kaniyang walang kwentang pinsan. Kanina pa siya kinakabahan. Simula ng magpaalam kanina si Niel sa kaniya na may dadaanan lang sila ni Anthony ay hindi na siya mapakali. Nagkulong siya sa kaniyang kuwarto  at pinanuod ang mga video ni Cyrus pero hindi pa rin siya mapakali.

Alam ni Arthur na may nararamdaman na siya para kay Niel. Mas crush niya si Anthony pero dahil hindi pwede ay pumayag siyang makipagboyfriend kay Niel dati. Pero alam niya na mahal na niya ito. Sweet at mabait na nobyo ang lalaki na iginagalang ang lahat ng kaniyang gusto maliban na lamang kapag nagsesex sila. Out of control ito lalo na kapag malapit nang mag orgasm. Pero bumabawi naman pagkatapos sa pagiging thoughtful.

"Mga baboy..grrrr" aniya pagkapasok ng bahay.

"Sinong baboy Arturo" tanong ni Lola Pasing

"Yang magaling mong apo. Huwag na huwag niyong papapasukin sa kuwarto ko yan ha"

Dinaig pa ng bagyo ang bilis ng pagpasok ni Arthur sa kuwarto. Agad siyang nagpalit ng pantulog at pinatay ang ilaw. Hindi niya pa rin maalis ang inis sa katawan kaya itinodo niya ang aircon sa kaniyang kuwarto.

"Mga baboy sila.. mga baboy."

Pinagbabato niya ang mga gamit sa loob ng kuwarto. Kinuha ang bote ng alak na itinatago niya sa ilalim ng kama at uminom. Hind pa man siya nakakatatlong baso ng pumasok ang text ni Niel.

"Hindi kami naghalikan ni Tonying. Nagkakamali ka ng iniisip"

Pinatay lang ni Arthur ang ilaw ng kaniyang cellphone. Bistado na niya ito pero sinusubukan paring mag deny. Ang lalaki nga naman.

"Talk to me. Answer the phone babe." sabi sa text nito na binura agad ni Arthur. Ibababa pa lamang niya ang kaniyang cellphone ng makitang  tumatawag ito.

"Hell sayo" aniya ng sagutin ang telepono.

"Babe listen. Lasing si Tonying. Hinablot niya yung girl na nagseserve ng drinks at hinalikan okay. Umalis na ako para hindi na madamay pa and that's when you came out. Hindi ako ang tinutukoy niya..it's the girl" paliwanag ni Niel na humihingal. Naririnig ni Arthur ang boses ni Anthony sa kabilang linya pero hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"And?" walang ganang sambit niya.

"Please huwag ka namang ganiyan. I told you na hindi kita sasaktan right? Ang I meant it. Kaya hinding hindi ko magagawa yun sayo"

"So asan ka na ngayon?"

"A-ah . ..e-eh. Gusto pang uminom ng pinsan mo eh. Ayaw paawat kaya lumipat na lang kami sa walang mga babae"

Pinindot ni Arthur ang end button ng cellphone. Inilagay ang aparato sa lamesita at tinakpan ng unan ang kaniyang mukha. Kinuha ang bote ng alak at tinungga ito habang nakahiga. Halos napaubo siya sa biglang sirit ng init sa kaniyang lalamunan kaya napabangon si Arthur.

"Fvck shit naman. Ang tanga tanga ko talaga"

Hindi naman talaga siya galit kay Niel. Umalis lang siya kaagad kanina dahil hindi niya maintindihan kung bakit  siya nasaktan sa sinabi ni Anthony. Mahal na niya si Niel pero wala siyang naramdamang galit dito ng sabihin ng kaniyang pinsan na naghalikan sila. Mas nasaktan pa siya na malamang ginawa iyon ng kaniyang pinasan.

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now