Chapter 9

4.6K 107 7
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Dinama ni Arthur ang halik ni Anthony. Ang init ng hininga nito na sumusunog sa kaniyang pisngi. Ang malambot at mamasa masa nitong labi na dumidiin sa kaniyang nanunuyong bibig . At ang katawan nitong nakayakap sa kabuuan niya na nagdadala ng kakaibang init na pumapaso sa kaniyang pagkato.

Pumikit si Arthur pasumandali. Dinama ng kaunti ang unang totoong halik na kaniyang naranasan. Ipupuluot na sana niya ang kaniyang mga braso sa leeg ni Anthony ng bigla itong tumayo. Iniwan siya sa sementadong kalsada at inayos ang damit nitong nagusot.

"Kiss lang naman pala makakapagpatigil sayo...buti ako ang nandito, kung hindi ibang lalaki pa ang hahalik sayo huwag ka lang magpakamatay" sambit ni Anthony na pumara ng bus na paparating.

Umakyat ito sa loob habang naghihintay ang kunduktor sa labas. Pero hindi niya magawang tumayo sa pagkakasalampak. Ilang segundo pa ang kailangan bago rumehistro sa kaniyang utak ang sinabi ng lalaki..

"Ano sasakay ka ba boy?" sigaw ng kunduktor sa kaniya..

"O-opo"

Umakyat siya loob ngbus. Nakita niya sa dulo ng upuan si Anthony ngunit hindi ma lang ito tumingin sa kaniya. Nakatanaw lang ito sa madilim na paligid sa labas. Hindi na lang niya ito pinansin at umupo sa bakanteng upuan na nasa likuran ng drayber.

Ang 20 minutes na biyahe dati ay parang naging napakatagal. Wala namang traffic o kahit ano pero halos madoble ang oras na nasa loob siya dahil sa kaniyang nararamdaman. Gusto niyang silipin kung nakatingin si Anthony sa direksiyon niya pero hindi niya magawa. Malinaw ang sinabi nito.

Bakla siya. Hinalikan lamang siya nito dahil nasa mukha niya ang kagustuhang gawing totoo ang nangyari sa panaginip. Hinalikan siya nito hindi dahil may gusto ito sa kaniya, ito ay dahil lamang sa katotohanang naglalaro ito at siya ang napagdiskitahan.

Bumaba si Arthur sa bus. Walang lingon likong tinumbok ang bahay nila at pumasok sa loob. Nagmano sa kaniyang Lola Pasing at umakyat sa kaniyang kuwarto ng walang ni isang salitang lumabas sa kaniyang bibig.

"Anong nangyari kay Arturo?" rinig niyang tanong ng kaniyang Lola Pasing habang binubuksan niya ang pintuan ng kaniyang kuwarto

"Nadapa lang Lola"

Hindi na niya inalam pa kung sino ang sumagot dito dahil boses pa lang nito ay kilala na niya agad.

"Damn you Anthony" usal ni Arthur sa pintuan bago pinindiot ang lock nito.

*****

Dalawang araw ang lumipas bago nagawang alisin ni Arthur ang alaala ng halik ni Anthony sa kaniyang sistema. Dalawang araw din siyang hindi sumama dito sa pagpasok at pag uwi. Kung ano anong rason pa ang kaniyang ginawa, ni kesyo may practice sila sa drama club, na kailangan niyang magstay ng extended time sa theater para imemorize ang ibang mga bagay kung paano maging mas magaling na artista.

Sa dalawang araw na iyon ay hindi siya nakipagusap kahit kanino maliban sa mga kagrupo niya sa club.

"Art napapansin kong laging nakaupo lang sa labas ng club yung lalaking hindi mo kakilala, inaantay ka ata" sambit ni Rose na kasamahan niya sa club.

Hindi niya sinagot ang sinabi nito at tiningnan na lamang ang taong naghihintay sa labas. Inaasahan ko nang makikita si Anthony sa labas ngunit ibang tao ang ngumiti sa akin.

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon