Chapter 28

1.9K 56 1
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Niel?"

"Musta ka na Art?"

"A-anong ginawa mo dito?"

"Nandito ako para makita ka. Hindi ka ba natutuwa?"

Napapikit na lamang si Arthur ng tuluyang makalapit ito. Hindi niya inaasahan na makikita ang lalaki ngunit ito na rin siguro ang pagkakataon upang malinaw niya ang lahat.

"Pinapatawad na kita" ani niya na nagpatawa dito. Para itong baliw na nakangisi ngunit pinipigilan naman ang boses upang hindi makagawa ng ingay.

"M-May nakakatawa ba?" tanong niya na napatayo. Itinulak ang lalaki na napaupo bigla sa damuhan.

"Ikaw" anito na lalo niyang ikinainis.

"Ano ba ang kailangan mo para pumunta ka pa rito? Sigurado naman ako na hindi ang pagtawanan ako ang dahilan"

Hindi parin tumigil ang lalaki. Tila wala itong kasawaan kaya nag walk out siya.  Ito ang may kasalanan. Pero nagawa niyang patawarin si Niel dahil mahal siya nito kaya nangyari ang lahat. Dapat nga ay demanda ang kaniyang gagawin pero ilang buwan din silang naging magkarelasyon. Para sa panahong iyon kaya niya ito pinatawad. Ngunit parang napaka ungrateful naman nito upang pagtawanan ang kaniyang resolve.

"Gagawin ko ulit ang ginawa ko mapasa akin ka lang" anito na hinawakan ang kaniyang braso.

"Tumigil ka na Niel. Masaya na ako, kami. Kaya please let me go" nagmamakaawa niyang turan.

Hininaan niya ang kaniyanbg boses. Napalingon sa loob ng bahay upang masiguradong walang tao na makakakita sa kanila.

"Masaya?" galit nitong tanong na agad siyang hinila palayo sa harap ng bahay. Nagpumiglas siya ngunit malakas ito.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya na sinipa ang binti nito. Agad din naman siyang binitawan ng lalaki ng makarating sila sa damuhan na may ilang naglalakihang halaman na magtatago sa kanila.

"Ako ang mahal mo Art. Kaya hindi ka maaring maging masaya sa piling ng taong hindi mo mahal"

"Ano ba ang pinagsasabi mo Niel. Tapos na tayo. Putang ina naman! Patahimikin mo  na ang buhay ko kahit ngayon lang." napaiyak siyang tumingin sa lalaki. Nagtatanong kung bakit siya napadikit sa taong ito na pulos sakit na lang ang dala sa kaniya.

"Minahal kita Niel. Pero ubos na eh. Ubos na ang pagmamal ko sayo at hindi ito refillable kaya sana pakawalan mo na ako kung talagang mahal mo ako"

"Hindi. Ako parin ang mahal mo" pagpupumilit nito.

Hinawakan ng lalaki ang kaniyang magkabilang pisngi. Tinitigan ang kaniyang mga mata at marahang hinalikan ang tungki ng kaniyang ilong.

"Hindi na ako mag da-drugs. Nagbago na ako Art. Kita mo naman ang kaya kong gawin di ba?" mahina nitong sambit.

"Kung gusto mo akong maging basketball player gagawin ko. Magiging basagulero ako, mabait o kahit sex slave mo. Kayang kaya mo akong pasunurin sa mga gusto mo Art. Hindi pa ba sapat yun?"

"Ayoko ng sunud sunuran! Hindi pagmamahal ang tawag sa nararamdaman mo Niel. Obsession ang tawag diyan"

"Ano ba ang gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang Art"

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon