Bes I Heart You

14.6K 391 65
                                    

Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

Mga babae nga naman ngayon, lagi nalang nai-inlove sa bestfriend nilang lalaki.

Mga pasimpleng, "Labyu" atsaka "Miss you" kala mo joke lang pero seryoso na pala.

Lagi mong tinetext, may pagka protective ka pa, kala mo nanay e. Inlove lang pala.

Naku! Gasgas na 'yang mga pasimpleng ganyan! 'Wag niyo na hintayin na mahulaan nila dahil bihira lang saniban 'yang mga 'yan ni Madam Auring! Maiiwan ka lang na nganga.

Umamin ka na! Ligawan mo na!

Gayahin niyo nalang ako!

"Bes, I heart you!"

"Love you too, Niks."

Kingina kakilig!

Ayan ang mga damoves ko sa bespren kong si Eion. Mahal na mahal ko 'yan! Kahit na ba.... hahaha!

"Ay talaga?" tinulak ko 'yung balikat niya. "So pwede ka ng ligawan?"

Agad akong sinimangutan ni Eion, "Baliw."

Naks, baliwzoned.

"Dali na, seryoso nga ako." pangungulit ko sakanya.

Inirapan niya 'ko, "Tigil tigilan mo 'ko Nicole."

Ngumuso ako at humalukipkip, sabay nagpunta sa likod niya at bumakay. "Tayo ka!" utos ko.

"Tinatamad ako." inaantok niyang sagot.

"Please? Please?"

Bumuntong hininga siya at naramdaman ko 'yung pagkapit niya sa binti ko. Agad akong napangiti dahil alam kong ibabakay na niya ako. Dahan dahan siyang tumayo mula sa bench na inuupuan namin kaya naman hinigpitan ko na 'yung kapit ko.

"Saan mo gusto pumunta?" tanong ni Eion.

Ngumisi ako bago sumagot, "Sa puso mo."

"Ibabagsak kita."

Ini-swing ko 'yung legs ko na hawak hawak niya, "Sungit naman." tapos hinigpitan ko 'yung yakap ko sakanya.

Chansing chansing din kapag may time.

Inihiga ko 'yung ulo ko sa balikat niya at agad siyang nag "Tsk" pero hindi nagsalita.

"Payagan mo na kasi akong ligawan ka." pangungulit ko.

"No."

"Bakit ba kasi bawal?"

"You know why." sagot niya.

Ako naman ngayon ang nag "Tsk." sakanya. "Wag mo nga akong ini-english."

"Ewan ko sa'yo."

Ngumuso ako at naisipang kumanta, "Akin ka nalang, akin ka nalang! Iingatan ko ang puso mo--"

Inalog ako bigla ni Eion at bahagya akong napasigaw, "Wag ka maingay." aniya.

"Puro ka naman reklamo." sabi ko. "Pasalamat ka mahal kita e."

Hindi siya sumagot kaya naman ginalaw ko ulit mga binti ko, "Ako ba mahal mo?" tanong ko.

"Oo." mahinang sagot niya at tumalbog 'yung puso ko sa kilig.

"Mahal na mahal?"

Bahagya niyang inayos 'yung pagbitbit sa'kin. "Oo." sagot niya ulit.

"Eh!" napakagat ako sa ibabang labi ko. "Kinikilig ako!"

Rinig ko ang mahinang pagtawa niya dahil sa sinabi ko. Gusto ko tuloy makita 'yung mukha niya dahil ang cute cute niya talaga kapag nakangiti. Kaso hanggang pisngi lang nakikita ko ngayon.

"Ba't ba kasi ayaw mo pang magpaligaw sa'kin? Bagay kaya tayo!" ani ko.

Kanina pa kami paikot ikot dito sa gilid ng Harbor Point kung saan may garden dahil nga wala din naman kaming mapupuntahan. Walang masyadong tao ngayon dito kaya nakakapag ingay ingay ako.

"Masyado akong gwapo para sa'yo."

"Aba!" pinukpok ko siya ng mahina sa ulo, "Kapal ng mukha mo!"

"Feeling ko nga kinaibigan mo lang ako dahil sa looks ko."

"Pfft, looks ka jan? Kung gwapo ka, edi sana maraming nagkakagusto sa'yo ngayon?"

"Marami naman?"

"Eh kasi hindi nila alam."

"Okay."

"Tss," ngumuso ako. "Galit ka na niyan?"

"Hindi." sagot niya.

"So pwede ka ng ligawan?" natatawang tanong ko.

"Hindi parin."

"Bakit?" naiinis na tanong ko. Ang dami kasing arte! Hindi nalang ako payagan.

Bumuntong hininga siya, at alam ko na 'yung famous line na niya ang sunod niyang sasabihin. Napaka gasgas na rason na.

"Kasi bakla ako."

Sakit, tagos sa ribs teh.

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon