Chapter 255

741K 27.1K 30.1K
                                    

A/N: Belated Happy Birthday!

🎂April Dawn de Gusman
From: Jen

🎂 AshleySethBaguio

Shout out kay 30_DARKKNIGHT_30
IamGlaizaCarzon & ILoveHHZ

🚩🚩🚩🚩
Stories that you guys can checkout.

I Forgot my Boyfriend
By: 30_DARKKNIGHT_30

If I were the President
By: Cheifadmiral_2

The Nerd
By: Polywannn

I Love The Way you Lie
By: YourGergeousBuddy

Usual Story But Unusual To Reality
By: yahnxzs2813

That Probinsyana is the Lost Princess
By: jackeng_saranghae

🚩🚩🚩🚩

Forgive & Forget

Jay-jay's POV

Magdamag kong inisip ang mga Ulupong at si Keifer. Magdamag na umabot sa puntong 4am na ko natulog. Kaya ang resulta? Bangag ako!

Young damn and brokkkeee...

Pumipiyok pa ko nyan habang kumakanta.

"Jay...Kumain ka na. Baka malate pa kayo nyan." Sabi ni Tita Gema.

Nakanga-nga lang ako habang pipikit-pikit ang mata. Sa sobrang bangag ko akala ko imagination ko lang yung may tumatawa sa harapan ko. Nang subukan kong tignan yon, nanlaki ang mata ko ng maramdaman na may tinapay sa bibig ko.

"Sino naglagay nito?" Tanong ko sabay nguya.

Sayang eh! Nasa bibig ko na.

Nagtatawanan sila Kuya Angelo at Aries. Tinignan ko naman sila pareho ng masama.

"Wag kasing nagpupuyat. Para hindi napagti-tripan sa lamesa." Parinig ni Kuya.

Ginusto ko bang magpuyat? Inisip ko lang naman kung anong pwedeng gawin sa mga Ulupong. At iniisip ko din yung dimunyong Hari nila.

Kumain nalang ako at hindi na nagsalita. Baka nga malate kami, patapos na ring kumain si Aries kaya lalo kong binilisan. Hindi ko na nginunguya, lunok nalang kung kailangan.

Pagtayo ni Aries, tumayo na rin ako. Pero hindi pa man ako nakaka-alis sa harap ng hapag ng tawagin ako ni Kuya. Hinarap ko sya.

"Bakit?" Tanong ko.

Tinignan nya ko ng kakaiba. Para bang inoobserbahan ako at parang meron syang gustong sabihin na hindi ko maintindihan.

"Wala, mag-ingat ka." Sabi nya at bumalik sa ginagawa.

Whut?!

Kahit nakakapag-taka pinili ko nalang hindi pansinin yun at pumunta sa kwarto ko para maligo. Kulang din yata sa tulog si Kuya.

Bago ako tuluyang makapasok sa banyo. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Meron akong text. Kunuha ko yon na nasa ibabaw lang ng kama ko.

Karaniwang message lang ang nakita ko. Galing kay Yuri at galing sa GagongBaliw. Binati lang ako 'Good Morning' ng Presidente ng Shunga Lovers Club. Pero etong isa....

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon