CHAPTER 1

134 7 12
                                    



Gal's POV

"Oh bukas matutuloy ang quiz natin kapag hindi pa dumating ang Panginoon. Diba alam niyo naman na Judgment Day lang ang makakapagpatigil sa mga bagay na gusto kong ituloy?" Announcement samin ni Ma'am Praise pagkatapos ng dismissal. Tumango na lang ako sabay alis ng classroom.





Habang naglalakad ako sa school premises, nakita ko na agad sina Erah at Pam sa court na naglalaro ng volleyball para sa training nila. Classmates ko sila pero excused sila sa conventional classes dahil lalaban na sila sa upcoming Sports Competition kaya kailangan nilang mag invest ng time para mas gumaling sila sa laro.





"BABES!" Sabay nila akong tinawag at hingal na hingal silang tumakbo papalapit sa akin para sabayan ako sa paglalakad. Callsign naming magkakaibigan ang Babes dahil sabi ni Erah, kakaibabes (kakaibang babae) daw kami. Lalo na raw siya, black beauty daw kasi ang meron siya.







"Sabay-sabay na tayong umuwi, ah? Tapos na rin naman yung training namin, eh. Mabilis lang natapos dahil beast mode masyado 'yung coach namin samin kasi malapit na raw yung Sports Event pero missing in action pa si Jas." Sumimangot si Pam at uminom ng tubig. Kulang sila ng member dahil absent si Jas, ang captain ball ng team nila na pinsan ko. Nasa bahay namin siya para magpahinga. Nagbakasyon kasi siya sa Cebu.






"Grabe! Feeling ko ako na si Cardo Dalisay kanina. Para kasi akong pulis na nakikipagpatayan para lang manalo. Hinabol-habol ko talaga yung bola kahit ilang beses na akong nadapa. Gumugulong-gulong pa nga ako, eh! Pero keri lang kasi malaki naman ang katawan ko. Malakas ako kahit mataba ako." Natatawang sabi ni Erah habang tinuturo 'yung nangingitim niyang tuhod na may gasgas at sugat. Siya ang libero kaya risky lahat ng ginagawa niya. Pero hindi naman halata kasi masyado naman siyang hyper at energetic.


"Oh, kita mo! Wala na 'yung bad trip look mo. Napatawa na kita, ah?" Tinuro ni Erah ang mukha ni Pam. Bigla kasing natawa si Pam dahil sa demonstration ni Erah habang nagkukuwento tungkol sa mga pinaggagagawa niya kanina. Pagkatapos nun, naging light na 'yung atmosphere nila.





Pagkalabas namin ng school, lalong nadagdagan ang ngiti ni Erah dahil nasa tapat ng parking lot si Keifer, ang boyfriend niya, kasama ang ibang students. "BABU!"


Saglit silang nag usap at pagkatapos nun ay nagpaalamanan na sila sa isa't isa. Tuwang tuwang lumapit si Erah saming dalawa ni Pam habang sumasayaw pa ng budots. "MGA BABES! SAMA KAYO MAMAYA HA? SWIMMING TAYO."





Nagtinginan kami ni Pam. Hindi rin kasi namin alam kung anong meron sa biglaang invitation ni Erah sa amin. "Ah, nagyaya kasi si Keifer sa D' Anchor Resort. Kasama mamaya 'yung tatlo niyang mga kaibigan. Kung gusto ko raw sumama, yayain ko kayo para hindi ako nag-iisang babae sa resort. Tsaka kung makakasama kayo, mas magiging masaya 'yung mood ko. Nagpatext na rin ako kay Keifer para sabihan si Jas."





"Kapag hindi kami umalis ni mama mamaya." Bigla namang napatili at napatalon si Erah sa sinabi ni Pam. Halatang excited masyado kahit wala pang assurance, eh.





Tumingin silang dalawa sa akin. Nailang naman ako kaya umiwas ako ng tingin. Kaya lang, nilapitan ako lalo ni Erah at mas tinignan pa. "Hindi ka sumali sa volleyball game dahil swimming ang sport mo. Alam kong mag-eenjoy kang lumangoy doon. Wag kang ano."





"Oo nga. Sa ating apat, ikaw lang ang hindi kasali sa vball, tsk. Wala kang sport na sinalihan kasi wala namang swimming na available para sa school natin. Minsan lang 'yung swimming kaya sumama ka na!" Pagpupumilit sa akin ni Pam.





TurquoiseWhere stories live. Discover now