CHAPTER 3

58 3 5
                                    



Gal's POV

TUBIG IS WATER


Erah: Mga tukmol kayo, bilisan niyo kumilos. 6 am na. :(


Keifer: Babu, on the way na ako sa inyo.


Erah: Tinawagan ko sila para mag ring phone nila hanggang sa magising sila.


Pierce: Hindi kami makakasama ni Ky. May kailangan kaming asikasuhin. Sorry.


Pam: Oh basta ako noon pa ako nagpaalam na hindi ako makakasama ha?


Keifer: Hala mga pre, ano ba yan? One year na kaming in a relationship kaya magcecelebrate, tapos wala kayo.


Erah: Hala? Tsaka mukhang tulog pa yata yung dalawang babes ko! Huhuhu!


Zayr: Gisingin na.





"Nag-pm sa akin si Keifer. Paniwalang paniwala raw si Erah na halos lahat hindi makakasama. Mga dakilang kasabwat tayo!" Natatawang sabi ni Jas habang nagpapatuyo ng buhok. Makakasama talaga kami, except Pam. Totoong bawal siya.





"Surprised mamaya 'yun." Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok at mag-ayos ng sarili, hinanda ko na ang mga gagamitin ko.





"HAPPY HAPPY ONE YEAR SA INYO!"


Pagkatapos naming magkita-kita para manundo ng mga kasama, nakarating na kami sa bahay ni Erah kasama si Keifer. She was totally surprised when she saw us. Naging kalog nanaman siya at napasigaw sa saya.







"THANK YOU SA INYO! AKALA KO WALA TALANG MAKAKASAMA, EH." Pinahiran niya pa yung mukha niya na kunwaring may luha.


"Kasama kami, siyempre! Hindi pwedeng wala kami." Sabi ni Pierce at inabot yung mga biniling junk foods kay Keifer.







"Sus, kaya pala naka-ilang tawag pa sina Zayr at Gal sa bahay niyo hanggang sa magising ka." Sabi ni Ky.





"OMG! SILANG DALAWA LANG MAGKASAMANG GUMISING KAY PIERCE? EH ASAN KAYO?" Sigaw ni Erah at parehong tumingin sa amin ni Zayr.


"Iniwan namin silang dalawa kanina kasi bumili pa kami sa tindahan. Eh wala naman silang bibilhin kaya sila sinabihan naming gumising kay Pierce." Paliwanag ni Ky.







"Sabay pa nga ulit silang maglakad habang papunta kami rito sa bahay niyo, eh." Nakangiting sabi ni Jas.








"Ah, tara na. Bago mag 7 am dapat nandoon na tayo. Hanggang 5 pm schedule doon diba?" Sabi ni Zayr at tumayo na galing sa pagkakaupo niya. Binitbit niya na yung ibang mga bitbitin.








"HALA OO NGA PALA!" Sabay-sabay silang tumayo at nagkayayaan nang umalis.


"Seabreeze ho kami, kuya." Umandar na ang tricycle pagkatapos magbayad agad ni Erah sa driver. "I mean, hindi po kami Seabreeze dahil mga tao po kami. Pero sa Seabreeze po ang dream destination namin, hehe."





"Oh, backride lovers! Lalarga na tayo ha?" Pang aasar sa amin ni Jas dahil kami nanaman ang pinagsasakto nilang magkatabi sa likod ng tricycle.





"Baliw, haha." Sabi ni Zayr kay Jas at tumingin sa akin. "Ano, okay ka lang ba? Hindi ka nahihirapan?" Tanong niya at umiling naman ako.





TurquoiseWhere stories live. Discover now