CHAPTER 8

27 1 0
                                    


Third Person's POV



Sold out na ang calligraphy kit na hinahanap nina Jas at Erah kaya naisipan nilang isa-isahin na lang ang pag bili ng pens. "Hi kuya! Saan po ba banda yung mga pens na pang calligraphy?" Masayang bati ni Erah sa lalaking guard.



"Hindi ko alam. Naghahanap lang din kasi ako rito. Bibili lang din ako." Napahiya si Erah at pasimple namang tumawa si Jas sa kashungaan ng kasama niya. "Hindi ako guard ng NBS sa mall na 'to."



"Ay, napahiya ako? Sorry naman po! Akala ko po kasi tindero rin kayo rito, customer pala." Lumayo na siya kasama ni Jas mula sa lalaking pinagtanungan niya.



Nagsimula na silang magtawanan nang makalayo na. "HAHAHA! MUKHA KASI SIYANG TINDERO."



"Heto talaga! Mag sosorry ka na nga lang, mang iinsulto ka pa!" Binatukan ni Jas si Erah.



Naghanap sila sa mga writing sections ng pens pero hindi nila mahanap yung pang lettering. Yumuko si Erah at umupo para maghanap sa mga nakasabit na panulat. "Effort 'to. Asan na ba kayo cali pens? Wag na kayong magtago kasi hindi ako nakikipaglaro ng hide and seek sa inyo."



May lumapit na batang babae kay Erah. "Ate, sino pong kausap niyo?"



"AY KIKIAM!" Napalingon si Erah sa bata. "Wala bebeh, nevermind na lang. Sige makakaalis ka na. Hehe."



Kumunot ang noo ng bata at nagsalubong ang kilay. "Baliw." Pagkatapos ay umalis na siya.



Biglang may bumagsak sa ulo ni Erah. "ARAY!"



Tumama sa mata niya ang isang brush pen. Sunod-sunod namang nahulog ang iba't ibang calig supplies. May para sa ink and paper, nibs, pen style, ink bottles, at marami pang iba. "Hulog kayo ng langit! Yes, thank you Lord! Yes!"



"Ano, nahanap mo na?" Lumapit si Jas kay Erah pagkatapos ikutin ang ibang section. "Nasa taas mo lang pala banda. Kung hindi pa nahulog, hindi mo pa malalaman na nandiyaan lang malapit sa'yo." Napasapo si Jas sa mukha niya dahil kung siya ang nasa sitwasyon ni Erah, kanina niya pa nahanap 'to.



"Hehehe! Sorry na Jas. Ang dami ko ng atraso dahil sa pagiging shunga ko. Huhuhu! Ang importante, may mga nakita na tayo. Bilhin na natin 'to lahat?" Tinignan nila pareho ang mga presyo.



"Ang mahal naman." Mahinang sabi ni Jas.

TurquoiseWhere stories live. Discover now