CHAPTER 22

13 0 0
                                    



Zayr's POV


Uwian na namin pero nagpaiwan na muna 'ko sa kanila. Pwede pa namang tumambay muna rito sa garden ng hotel na 'to, eh. Sigurado ako na umuwi na 'yung mga 'yon.



Gusto ko munang magpahangin dito sa garden dahil umiinit 'yung pakiramdam ko simula kanina.



"Zayr!" Naudlot 'yung pagpipitas ko ng mga dahon nung bigla kong nakita si Gal. Bat 'di pa siya umuuwi?



"Uy, Zayr!" Naglakad siya palapit sa'kin pero lumayo ako. "Zayr! Bakit ka ba lumalayo?"



"Umuwi ka na." Sinabihan ko siya. Baka madapa pa siya kakalakad dito sa garden, eh. Tapos gabi pa, oh! Mamaya ako pa masisi.



"Sandali lang!" Pinatigil niya 'ko nung nakalapit na siya. "Nagpunta ko rito para kausapin ka, okay?"



"Ano pa bang pag-uusapan?" Hindi ako mapakali. Kung saan-saan ako napapatingin. Sa mga guests na naglalakad sa 'di kalayuan, sa mga ibon, sa mga bulaklak, sa mga damo, sa mga ding-ding, sa mga puno, at sa kanya.



"Bakit nag walk-out ka kanina? Bakit ka andito? Ano bang nangyayari sa'yo, ha?" Sunod-sunod nanaman 'yung mga tanong niya.



"Eh pinahiya mo na 'ko kanina diba?" Hindi ba siya marunong makiramdam? "Pinagtanggol na nga kita sa lalaking umaaligid sa'yo, eh. Tapos siya pa 'yung kinampihan mo."



Bumuntong hininga siya. "Ano bang – "



"Nagmamalasakit lang naman ako sa'yo, eh. Mahalaga ka sa'kin. Hindi lang talaga ako mapakali kanina sa nakita ko. Ayoko nga ng may tumitingin sa'yo ng kakaiba, eh. Ayoko nga ring nawawala ka sa paningin ko."



"Eh bakit parang ang sungit mo? Parang ikaw pa 'yung dehado kaysa sa'kin sa nangyari kanina, eh. Ano bang pinuputok ng butse mo eh hindi naman ikaw 'yung nayakap?"



"Manhid ka ba?" Napakamot ako sa noo.



"Ako?" Para namang hindi niya maintindihan 'yung ibig kong sabihin.



Sa totoo lang, kung isasayaw siya, kakantahan, papatawanin, papangitiin, papasayahin, papaligayahin, at papasayawin ng iba, ayoko. Pwede naman kasing ako na lang gumawa nung mga 'yun, eh. Hindi pa ba 'ko sapat para sa kanya?

TurquoiseWhere stories live. Discover now