CHAPTER 13

28 2 0
                                    


Gal's POV



Zayr: Good morning, Kendall!



Zayr: Pag gising mo, ingatan mo lang sarili mo ha?



As usual, madalas na akong nakakatanggap ng messages sa kanya every morning. 'Di na lang ako nag reply. Mag uusap din naman kami sooner.



I'm practicing my skills in lettering because I studied new strokes. Mag isa lang ako rito sa bedroom dahil wala si Jas. Kasama niya 'yung players ng volleyball team niya pati mga basketball players. Lahat ng representatives ng school namin. Kanina kasi 'yung laban nila for sports. Sayang, hindi kami pwedeng manuod dahil priority lang ng teachers ang players, hindi ang ibang students lang na viewers. But it's okay because Erah's having a video call with me while I'm writing.



"Ano nang nasulat mo diyan habang naglelettering ka?" Pinakita ko sa kanya 'yung notebook na may lettering ko ng Lang Leav. "Naks naman, ang ganda ng sulat! It's so wonderful."



"Babes, congratulations ulit sa inyong volleyball players ha!" Nanalo sila, and I am so proud of them shempre.



"THANK YOU BABES, WE MISS YOU AGAD." Sabi nila at nagkakasaya sa kabilang linya. May mga bottled water pa sila dahil halatang pagod at pawisan after the competition.



"Babes, laban na nila Ricci Rivero ko at ng Lamelo Ball mo!" Tinapat ni Erah 'yung camera sa court. Sobrang daming tao!



"BABES NAGSISIMULA NA 'YUNG GAME, MAG CHEER KA DALI! PARA SA MGA KA-TUBIG NATIN." Sumigaw sigaw pa si Pam.



"So anong gusto mo? Sumigaw ako rito sa kwarto?" Hindi ko naman sila kasama para maki-ingay. Video call lang naman 'to.




"Oo sigaw ka habang naka live streaming oh! Hehe!" Sabi naman ni Jas.



"GO MGA KA-TUBIG!!!" Nagulo pa 'yung pagkaka video dahil panay 'yung pag shake ni Erah sa hawak niyang phone. "WAIT NANGANGALAY 'YUNG KAMAY KO SA KAKAHAWAK NG PHONE!" Tili nang tili habang nagwawala.



"HOY BABES SABIHIN MO KAY ZAYR, 'GO MY SEXY LOVE' HAHAHA!" Ang ingay ni Erah, grabe ang hyper!



"Ano babes, manunuod ka lang sa amin? Wala ka man lang powerful cheer diyaan?" Tanong ni Jas.

TurquoiseWhere stories live. Discover now