CHAPTER 9

22 1 0
                                    



Third Person's POV



"May problema ba? Bigla kasi silang umalis na, eh." Pagtukoy ni Jas sa tatlong lalaki. "Saan kaya nagpunta?"



Pinatay ni Era hang phone niya. "Hintayin na lang natin. Baka may pinuntahan lang. Babalik din yung mga 'yon."



"Okay. Kain na lang muna tayo." Tinuloy ni Gal ang pag kain, ganoon din ang dalawang babae. "Ang sarap ng buchi, oh."



Ilang minuto rin ang lumipas bago dumating ang mga lalaki pabalik sa bahay ni Gal. "Sorry kung medyo natagalan yung pag alis namin." Bungad ni Pierce.



"Babu, lika nga. Mag usap tayo." Lumapit naman agad si Keifer kay Erah at nag usap silang dalawa.



"Oh bakit parang kulang?" Pansin ni Jas.



"Asan si Zayr?" Paghanap ni Gal.



Hindi naman naka imik si Pierce.



"Pierce, ano bang nangyayari?" Malapit nang mainis si Gal dahil hindi niya makuha ang sitwasyon.



"Oo nga, bigla na lang kayong nagpaalam na umalis muna. Bakit ba kasi?" Sang ayon ni Jas.



"Ah ano kasi..." Napakamot ulo si Pierce.



Natapos ang pag uusap nina Erah at Keifer. "Ganito kasi 'yon..." Sabi ni Keifer.



"Babu, huwag na muna! Huwag niyo munang ipaalam sa kanila. Birthday na birthday ni Gal, eh. Dapat mag celebrate na masaya. Hindi naman good news 'yan, eh." Pag pigil ni Erah.



Nagsalubong ang mga kilay ni Jas. "Alam mo na, Erah?"



"Kakasabi lang niya sa akin." Pag tukoy ni Erah kay Keifer. "Sa tingin ko hindi ito yung tamang oras para ipaalam pa sa inyo."



"Involve ba ako sa problema?" Hindi sila makasagot sa tanong ni Gal. "So it means 'yes'? Does your silence mean that I am involved?"

TurquoiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon